
Ilan sa mga Kapuso celebrities ngayon ay pinagsasabay ang kanilang trabaho at pag-aaral. At dahil panahon na ng graduation, ilang celebrities ang ipinagdiriwang ang kanilang bagong milestones ngayong taon.
Kailan lang ay nag-post si Kapuso Morning Sunshine na si Shaira Diaz ng videos ng kaniyang graduation pictorial. Ang una ay ang sa 'Grad Pic Awrahan 101' segment ng Unang Hirit last year, at ang ikalawa ay ang totoong graduation pictorial na niya.
Caption ng aktres sa kaniyang post, “A year ago.. From reel to real! I can't help but feel emotional during our graduation pictorial today.”
Pagpapatuloy niya, “'Yung mga kaibigan at pamilya ko, alam nila kung gaano kahalaga sakin tong moment na to. Thank you po, Lord! sa wakas..”
Samantala, kamakailan lang ay naka-graduate na rin ang dating Royal Blood star na si Lianne Valentin sa college. Nag-post siya ng ilang photos mula sa kaniyang graduation ceremony sa kaniyang Instagram page.
“She's] a degree holder now. [A]fter [four] years, [I] can finally declare myself a student no more!” caption niya sa post.
Pinasalamatan rin ni Lianne ang kaniyang mga magulang, kasama ang litrato kasama nila sa ceremony.
“[T]hank you for everything parentals. [L]ove you both,” sulat niya.
TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITY GRADUATES NGAYONG 2024 SA GALLERY NA ITO:
Sa interview niya kay Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong June 3, ikinuwento niya ang naging experience niya sa pagiging isang working student.
Aniya, “Naranasan ko na Sir Nelson 'yung habang hindi kami kinukunan ng mga scenes namin or hindi pa turn ko sa eksena, nag-o-online class ako.”
Dahil nagsimula siya ng college noong pandemic, naging maluwag ang schedule niya para sa pag-aaral. Ngunit hindi nagtagal ay nagsimula na ulit ang kanilang taping at inamin ni Lianne na alam niyang mahihirapan na siya.
“Sabi ko, 'Okay, mahihirapan ako, pero kayang-kaya ko ko 'to, kaya 'yan, kayang-kaya pagsabayin,'” sabi niya.
Bukod kina Lianne at Shaira, grumaduate na rin ang young Sparkle stars na sina Marco Masa at Bryce Eusebio mula Senior High School.
Ngunit para kay Marco, hindi pa dito magtatapos ang kaniyang pag-aaral. Sabi niya kay Nelson sa parehong interview, “After vacation, balik ng school, back to work na ulit, back to balancing work and school.”
Panoorin ang interview nina Lianne Valentin at Marco Masa dito: