GMA Logo Shaira Diaz and dxBB hosts Arnold Clavio and Connie Sison
Source: shairadiaz_ (IG) and shairamdc (FB)
What's Hot

Shaira Diaz, naging instant traffic reporter sa dzBB

By Kristian Eric Javier
Published September 4, 2023 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz and dxBB hosts Arnold Clavio and Connie Sison


From 'Unang Hirit' to dzBB, kayang kaya na ni Shaira Diaz maging isang reporter.

“What's up, mga Kapuso!”

Sa ganyang paraang binati ni Kapuso Morning Sunshine Shaira Diaz ang mga tagapakinig ng radio station na Super Radyo dzBB noong August 31.

Pinost ni Shaira ang televised streaming ng programa kung saan tinawagan siya ng hosts nitong si Arnold Clavio at Connie Sison para mag live traffic report.

Caption ng actress sa video, “So this happened!! Gusto ko lang naman po magpa-shoutout, pero nauwi sa reporting HAHA OMG talaga!”

“Biglaang traffic report para sa DZBB!! My first ever radio report! As in biglaan talaga na on the spot ako wahaha! Maraming salamat po sa paggabay at pagkakataon Igan Arnold Clavio and Ms Connie Sison!!! Ang saya!! Igan, salamat po sa tiwala,” dagdag nito.

TINGNAN ANG DEMURE AND FEISTY SIDE NI SHAIRA SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Igan Arnold, pangarap daw ni Shaira maging isang reporter kaya't tinawagan na nila ito para i-report ang lagay ng traffic sa Quezon Ave.

Dito, ikinuwento ni Shaira kung papaanong 8:00 am pa siya tapos sa trabaho pero 9:30 na siya naka-akyat sa Skyway ramp. Ibinalita rin niya na nanfg mag-check siya ng navigation app sa phone, nalaman niyang baha sa mga kalsada papuntang Araneta, Cubao.

“Feeling ko, 'yung daloy ng kotse, lahat paakyat dito sa Skyway kasi baha hanggang ngayon sa Araneta,” sabi nito.

Nagbigay din si Shaira ng payo para sa mga dumadaan sa Quezon Avenue at Skyway.

“Huwag muna silang dumaan dun, tiyagain na lang muna nila 'yung traffic dito sa itaas kasi wala, baka hindi talaga sila maka-uwi, abutin sila ng siyam-siyam kapag dumaan sila sa baba,” sabi nito.

At dahil traffic, nagbigay din ng konting tips si Shaira ng puwedeng gawin habang naghihintay.

“Nagda-download ako ng Netflix, Igan, pampaantok ko po,” sabi nito.

Bago magpaalam, sinabihan siya ni Arnold na baka maging suki na nila si Shaira sa kanilang programa.

“Baka maging suki ka na namin dito dahil ang oras ng biyahe mo, laging oras ng programa namin. Bahagi na rin ng training mo, alam kong pangarap mong maging reporter,” sabi nito.

Panoorin ang traffic report ni Shaira dito: