GMA Logo Shaira Diaz
What's Hot

Shaira Diaz, nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng GMA Artist Center

By Marah Ruiz
Published July 7, 2021 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Nag-renew ng kanyang kontrata si Kapuso actress Shaira Diaz sa GMA Artist Center ngayong araw, July 7.

Kapuso pa rin ang aktres na si Shaira Diaz matapos niyang mag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center ngayong araw, July 7.

Shaira Diaz GMA Artist Center


Humarap si Shaira sa isang virtual event kasama ilang miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com, para ipagdiwang ang kanyang contract renewal.

Dito, naibahagi ni Shaira ang lubos na pasasalamat niya sa GMA Artist Center dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.

"[I am] super happy! Ngayon na nasa pandemic tayo, parang ang hirap-hirap nang makahanap ng trabaho. Walang kasiguraduhan sa lahat. The fact na ni-renew nila ulit ako, that means a lot to me. Nandoon 'yung trust. Pinakatiwalaan nila ako for more years pa na makasama sa kanila, na magtrabaho para sa kanila. Sobrang grateful ako sa GMA Artist Center," lahad ni Shaira.

Nakatakda nang magsimula ng bagong proyekto si Shaira ngayong buwan. Sa katunayan, kasalukuyan siyang naka-quarantine sa hotel para paghandaan ang pagsisimula ng lock-in taping ng kanyang upcoming action-adventure series na Lolong.

Iikot ang istorya sa binatang si Lolong, na gagampanan ni Ruru Madrid, at ang kakaibang koneksiyon niya sa isang dambuhalang buwaya na si Dakila.

"Action-adventure series siya pero ang maganda dito, marami siyang nata-tackle tulad nga noong [environmental] awareness na 'yan. Hindi porke't animal sila, porke't mga hayop sila, hindi sila nakakapagsalita, ay hindi sila lalaban, na wala silang rights. Ang totoo pala, protektado din sila ng batas natin," paglalarawan niya sa serye.

Ibinahagi rin si Shaira ang magiging role niya sa serye.

"[Ang] character ko po is si Elsie-- one of the boys, simpleng tao lang, may paninindigan. 'Yung family ni Lolong, tinulungan din 'yung pamilya ko so malaki 'yung utang na loob ko sa kanila. Bilang pasasalamat din, noong nawala 'yung mga magulang ni Lolong, ako 'yung nagtuloy ng legacy ng nanay niya which is siya 'yung taga-protekta ng paligid, ng kalikasan, ng mga animals," paliwanag ni Shaira.

"'Yun 'yung parang advocacy niya. Ayaw niya na masisira, ayaw niya na may ikasasama 'yung paligid, 'yung kalikasan natin," dagdag ng aktres.

Samantala, mas kilalanin pa si Shaira sa gallery na ito: