GMA Logo EA De Guzman tanggap ng pamilya ni Shaira Diaz
source: shairadiaz_/IG
Celebrity Life

Shaira Diaz on EA Guzman: 'He's part of the family na'

By Kristian Eric Javier
Published March 1, 2024 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

EA De Guzman tanggap ng pamilya ni Shaira Diaz


Ayon kay Shaira Diaz, welcome na welcome na ang kanyang fiancé na si EA Guzman sa kanyang pamilya.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman ang kanilang 11th anniversary matapos ipaalam na sila ay engaged na. Sa tagal ng kanilang relationship, alam ng aktres na itinuturing na ang kaniyang fiancé na part of the family na ng kaniyang mga kamag-anak.

Inamin din ni Shaira sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast na hindi nila inasahan na tatagal sila nang ganito katagal, lalo na “sobrang magkaiba” ang kanilang personalities.

“Kahit sa mga feng shui experts po, na na-i-interview namin sa Unang Hirit, tinatanong ko palagi, 'kamusta po yung sign naming dalawa?' talagang clash yung signs namin, clashing talaga,” sabi niya.

Ngunit kahit ganoon ay sinasabi rin umano ng mga eksperto na maganda ang ginawa nila ni EA na pagko-compromise.

“Parang willing talaga kami na intindihin yung isa't isa kasi nga sobrang mahal namin ang isa't-isa,”sabi niya.

TINGNAN ANG PAGDIWANG NINA SHAIRA AT EA NG KANILANG 11 YEARS TOGETHER SA GALLERY NA ITO:


Kailan lang din ay nag-post si Shaira ng litrato niya kasama ang buong pamilya na kuha sa isang photo studio at kasama dito si EA. Ayon sa aktres, first family picture nila 'yun sa isang photo studio at dahil “love na love” na si EA ng pamilya ng aktres ay kasama nila ito sa shoot.

Sabi ni Shaira, “Sabi ko nga ano love na love din siya ng family ko, tanggap din siya in 11 years, andiyan pa rin siya consistent siya sa mga gestures niya sa akin at sa pamilya ko din.”

Dagdag pa ni Shaira Diaz ay isa sa mga minahal niya kay EA Guzman ay ang pagiging family man nito, at kung gaano kamahal ng aktor ang kaniyang ina.

“Sabi nga nila kapag yung lalaki ay grabe magmahal sa mommy niya, sa mother niya, ganun din yung magiging trato niya sa magiging asawa niya,” sabi ni Shaira.

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)

Pakinggan ang buong interview ni Shaira Diaz dito: