GMA Logo Shaira Diaz and EA Guzman
Celebrity Life

Shaira Diaz reacts to EA Guzman's butt exposure

By Aedrianne Acar
Published March 23, 2025 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz and EA Guzman


Ipinaalam kaya ni EA Guzman sa kaniyang fiancée ang ginawa niya sa 'Body of Work' fashion event?

Usap-usapan ang naging pasabog ng Bubble Gang hunk na si EA Guzman nang rumampa sa Body of Work fashion show kagabi, March 21 sa Mall of Asia Arena.

Nagulat ang mga umattend sa ginawang "butt exposure" ng Sparkle actor sa naturang event.

Ang fiancée ni EA na si Shaira Diaz, nag-post sa Facebook ng reaksyon niya sa ginawa nito.

Sabi ng Lolong actress, “Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko 😭 alam na ng lahat itsura 🙈 susginoo! Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!”

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si EA matapos ang Bench show at inamin niya na hindi niya ito ipinaalam sa kasintahan.

Paliwanag niya, "Actually, on the spot [ko siya naisip gawin.] Kahit kay Shaira, hindi ko siya pinaalam, to be honest, wala akong pinagsabihan na iba, doon ko lang naisip,"

Matatandaan na unang kinumpirma nina EA Guzman at Shaira Diaz ang kanilang engagement taong 2021 nang mag-guest sila sa Unang Hirit noong February 2024.

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)

RELATED CONTENT: EA GUZMAN AND OTHER SPARKLE ARTISTS SPOTTED DURING THE 'BOW' FASHION EVENT