GMA Logo shaira diaz and ruru madrid
What's on TV

Shaira Diaz, Ruru Madrid, nag-tree planting sa gitna ng taping ng 'I Can See You 2'

By Dianara Alegre
Published March 2, 2021 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 26, 2025
Farm To Table: Enjoy the vibe!
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

shaira diaz and ruru madrid


Abangan ang tambalang Shaira Diaz at Ruru Madrid sa “On My Way to You,” ang maiden offering ng 'I Can See You 2!'

Nagsimula na ang lock-in taping para sa first installment ng second season ng drama mini-series na I Can See You.

Sa Antipolo ginanap ang taping para mini-series na “On My Way to You,” na pinagbibidahan nina Kapuso stars Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Pero maliban sa taping, naging abala rin ang dalawa sa tree-planting activity sa Antipolo katuwang ang ilan nilang co-stars.

Ruru Madrid

Source: rurumadrid (Instagram)

Samantala, tampok sa “On My Way to You” ang istorya ni Raki (Shaira), ang runaway bride na naging viral online matapos kumalat ang video ng kanyang pag-urong sa araw ng kanyang kasal.

Marami ang bumatikos sa naging desisyon niya. Upang lumayo sa lahat ng bashing na natatanggap, nagpakalayo-layo muna siya at nagtungo sa liblib na lugar kung saan tahimik lamang ang buhay.

Doon ay makikilala niya si Jerrick (Ruru), ang groom na tinakasan naman sa kasal ng kanyang fiancée. Paano nila matututunang unawain at mahalin ang isa't isa? Ano ang kahihitnan ng kanilang kwento?

Mula sa direksyon ni Mark Reyes, bahagi rin ng "On My Way To You" sina Arra San Agustin, Gil Cuerva, Malou de Guzman, at Richard Yap.

Direk Mark Reyes kasama ang cast ng On My Way to You

Abangan ang pagbabalik ng I Can See You soon on GMA!