
Labis ang pasasalamat ni Sang'gre actress Jenzel Angeles na makitang magkakasama ang malalapit na mga kaibigan sa kanyang bachelorette party, na ginanap kamakailan sa Ell Bellizsima Hotspring Resort sa Laguna.
Present sa event ang kanyang celebrity friends na sina Shaira Diaz, Thea Tolentino, at Arra San Agustin.
"Last margarita [na naging purong tequila] with the señoritas," sulat ni Jenzel. "Thank you so much for this bachelorette party. Loved seeing you all together! Sa wedding ulit pls!"
Ipinakita rin ni Shaira sa Instagram ang ilang larawan mula sa bachelorette party ni Jenzel. Sulat niya, "Señorita's last hurrah, [Jenzel Angeles]!"
Sa comments section ng post na ito ni Shaira, nagpasalamat din si Jenzel: "Thank you mga mare at mga sisters! Andami ko na sistersss huhu labyu all!"
Noong Martes, March 3, ipinagdiwang ni Jenzel ang kanyang 31st birthday. Sa kanyang birthday post, sinabi ng aktres na isang taon na siyang engaged at ilang araw na lamang bago ang kanyang kasal.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Jenzel Angeles bilang Rakeesha, ang personal na dama (tagasilbi) ni Hara Armea (Ysabel Ortega) sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Related gallery: Get to know Jenzel Angeles