GMA Logo Shamae Mariano
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Shamae Mariano, pinaghahandaan na ang grand finals ng 'Tanghalan ng Kampeon'

By Maine Aquino
Published June 8, 2024 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Sunday Mass - Diocesan Shrine of Jesus, the Divine Word | GMA News
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Shamae Mariano


Isa si Shamae Mariano sa mga aabangang grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.

Handa na si Shamae Mariano na ipakita ang kaniyang husay bilang isa sa mga grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon".

Si Shamae na isang livestreamer at kontisera ay ang ika-anim na grand finalist sa "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.

Sa interview ni Shamae sa GMANetwork.com ay binalikan niya ang naging desisyon sa pagsali sa tinututukang singing contest sa TiktoClock.

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Ani Shamae, "Ang nag-push po sa akin ay mga magulang ko po. Noong una po pinanghihinaan pa po ako ng loob kasi po medyo wala pa po sa wisyo 'yung boses ko noon. Pero noong nag-audition ako sa Tanghalan ng Kampeon, nagtuloy-tuloy naman, nakapasok naman po ako sa grand finals."

Inilahad ni Shamae na noon ay kaunti lamang ang nanonood sa kaniyang livestream. Pagkatapos niyang sumali sa "Tanghalan ng Kampeon", unti-unti na nakikilala si Shamae sa social media.

"Since ako po ay livestreamer, marami na pong nakakanood sa akin. Dati po kasi hanggang 50 viewers lang ako."

Dugtong pa ni Shamae, "Lagi po nila naaalala na ako po 'yung kumanta ng 'I Love You' by Celine Dion sa TNK (Tanghalan ng Kampeon) po. Mas marami po ang naging supporters ko at mas nakilala na rin po ako ngayon."

Dahil sa June 12, 13, at 14 na ang grand finals ng "Tanghalan ng Kampeon" ay naghahanda na si Shamae sa kaniyang laban para sa kaniyang pangarap.

Makakalaban ni Shamae sina Sheena Palad, MC Mateo, Lucky Robles, Gary Villalobo, Rica Maer, Audrey Malaiba, at Rdee Asadon.

Ikinuwento ni Shamae ang ilan sa kaniyang mga routine para sa pagsalang sa grand finals ng "Tanghalan ng Kampeon".

"Kada umaga po, nagvo-vocalize po ako. Tina-try ko po 'yung best ko na matulog nang maaga ngayon."

Abangan ang grand finals ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock sa June 12, 13, at 14, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.

Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.

KILALANIN ANG IBA PANG GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SA TIKTOCLOCK: