
Dadaan sa isang malaking pagsubok ang MAKA barkada sa pagkasunog ng tinitirhan nilang boarding house.
Bagong chapter ang bubuuhin ng magkakaibigan sa paglipat nila sa MAKA Academy boarding house o MAKA-B, kung saan may mga bago silang makikilala at makakasama.
Magbabalik na rin ang MAKA barkada na si Josh Taylor (Josh Ford) na muling manunuyo kay Zeph (Zephanie) at magpapakilig sa MAKA viewers.
Magkakaroon na muli ng karibal si Shan (Shan Vesagas) sa puso ni Zeph. Pero si Zeph, tila hindi matutuwa sa ginagawang pagtatagisan nina Shan at Josh!
Samantala, magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Elijah (Elijah Alejo) at Zeph, tungkol saan kaya ito?
Huwag din palampasin ang mga bagong karakter na mapapanood sa "MAKA: Next Chapter" na sina Miss Chinchin at Ms. Alelie, na gagampanan nina Gladys Reyes at Jennie Gabriel.
Ano naman kaya ang dalang pasabog ni Myrtle Sarrosa sa MAKA barkada? Abangan 'yan ngayong Sabado (June 7), 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang trailer para sa "MAKA: Next Chapter" sa video na ito:
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: