Spotted sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang MAKA actor na si Shan Vesagas na dumalo sa event para suportahan ang mga kaibigan na sina Esnyr at Brent Manalo.
Sa Facebook, ipinakita ni Brent ang larawan kasama si Esnyr. Sulat niya, "My big winner."
Ipinakita rin niya ang biruan nila sa stage kung saan sinabihan siya ni Esnyr ng "Sorry, four months ako ah!"
Bukod kay Esnyr, ipinakita rin ni Shan ang suporta kay Brent. Pagbati niya, "Congrats bro."
Kapwa napapanood sina Shan Vesagas at Brent Manalo sa Highschool series ni Esnyr sa YouTube, kung saan gumaganap ang dalawang aktor bilang love interest ng sikat na karakter na si Precious.
Third place ang duo nina Esnyr at Charlie Fleming sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, habang ang itinanghal namang Big Winner Duo ay sina Brent Manalo at Mika Salamanca.
SAMANTALA, BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS SA PBB BIG WINNER DUO NA SINA BRENT MANALO AT MIKA SALAMANCA SA GALLERY NA ITO: