
Thankful sina Shan Vesagas at Zephanie sa mga sumusuporta sa kanilang love team na ShanZeph sa hit youth-oriented show na MAKA, at sa mga nag-aabang na sa kanilang tambalan sa upcoming spinoff na MAKA LOVESTREAM.
Magpapatuloy ang pagbibigay kilig nina Shan at Zephanie bilang Joaquin at Faith sa unang yugto ng MAKA LOVESTREAM na "28 Days," na magsisimula na ngayong September 6 sa GMA.
Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Shan na malaki ang naitulong sa kanya ni Zephanie sa pagpasok niya sa ikalawang season ng MAKA.
"Even off-cam ay treat Zeph as Zeph Molina (karakter ni Zephanie sa MAKA)," sabi ni Shan.
"Zeph help me a lot, so on- and off-cam I'd say nakakakilig," dagdag ng aktor.
Ayon naman kay Zephanie, noong una ay nahihiya pa siya kay Shan. Nabuo ang love team nina Zephanie at Shan sa ikalawang season ng MAKA at sa pagpapatuloy ng show sa MAKA: Next Chapter.
"Well, nu'ng una talaga medyo ramdam ko pa 'yung nakakahiya, like nahihiya pa ako kay Shan," sabi ni Zephanie.
"We just wanna thank everyone who supports us, mga ShanZeph, kasi syempre guys na-inspire kami to make you happy. Kahit kami napapasaya namin 'yung isa't isa us a cast. We're grateful.
"Sana suportahan n'yo po patuloy 'yung mga love team and team ups nitong MAKA LOVESTREAM, lalo ngayon kasi talagang puno ng kilig ito."
Abangan sina Shan Vesagas at Zephanie bilang Joaquin at Faith sa MAKA LOVESTREAM simula ngayong Sabado, September 6, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEHIND THE SCENES SA MAKA LOVESTREAM SA GALLERY NA ITO: