GMA Logo Ariel Rivera Shanelle Agustin Carlos Dala
What's on TV

Shanelle Agustin, Carlos Dala greet Ariel Rivera on his 56th birthday

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 2, 2022 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ariel Rivera Shanelle Agustin Carlos Dala


Happy birthday, Kapuso!

Hindi nalimutan ng mga anak ni Ariel Rivera sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life na sina Shanelle Agustin at Carlos Dala na batiin ang aktor sa kanyang ika-56 na kaarawan kahapon, September 1.

Sa Instagram stories, parehong nagpaabot ng pagbati sina Shanelle at Carlos sa kanilang Daddy Onats, ang karakter na ginagampanan ni Ariel.

Sulat ni Shanelle, "Happy birthday dad! @rivera.arieljose."

Ibinahagi naman ni Carlos ang selfie nilang tatlo kasama ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez sa set ng The Fake Life.

Sulat niya sa larawan, "Happy Birthday Daddy Onats!"

Sa The Fake Life, gumaganap na magkapatid sina Shanelle at Carlos na sina Jaycie at Jonjon. Hindi man nila biological father si Onats, malapit pa rin siya sa kanila dahil si Onats ang nagpalaki sa kanila at kinikilala nilang tatay simula noon.

Magkakaayos pa kaya sina Jaycie at Jonjon ngayong magkaiba sila ng opinyon kung kaninong ama sila sasama? Sa kinalakihan nilang amang si Onats o sa kanilang biological father na si Mark (Sid Lucero)?

Panoorin ang The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BUHAY NI ARIEL BILANG BUTIHING ASAWA AT AMA SA MGA LARAWANG ITO: