Top student si Shannon Kelly sa paaralan nilang Bradlington High.
Science ang best subject niya, pero mayroon siyang kakaibang obsesyon sa nilalang na tinatawang niyang "Beast on the Moors."
Habang nasa isang camping trip noong siya ay bata pa, may nakita si Shannon na hindi niya maipaliwanag—isang malaking nilalang na may dilaw na mata.
Dahil sa karanasang ito, itinalaga niya ang halos lahat ng kanyang oras para mahanap ang nilalang na ito at mapatunayan ang kanyang mga teorya ukol dito.
Maibabaling niya ang kanyang hinala sa kanyang kaibigan at kababatang si Maddy Smith. Minsan kasi niyang nakita na naging dilaw ang mga mata ni Maddy.
Lalo pang lalalim ang paghihinala ni Shannon kay Maddy nang dumating sa bayan ng Stoneybrook ang ulilang si Rhydian Morris.
Mapapalapit kasi ang loob ni Maddy kay Rhydian at mapapalayo sa kanya at sa isa pa nilang kababatang si Tom Okanawe.
Bukod dito, tila may itinatagong lihim ang dalawa sa madalas nilang pagpunta sa gubat.
Mga Wolfblood—nilalang na parteng tao at parteng lobo sina Maddy at Rhydian. Kailangan nilang itago ang kanilang mga abilidad mula sa kanilang mga kaibigan at sa iba pang taong nasa paligid nila.
Mas mahalaga ba kay Shannon ang pagkakaibigan o ang mapatunayan ang kanyang mga hinala?
Si Louisa Connolly-Burnham ang gaganap bilang Shannon.
Huwag palampasin ang mga pag-iimbistaga ni Shannon sa Wolfblood, simula February 14, 9:10 a.m. sa GMA.
MORE ON 'WOLFBLOOD':
Maddy Smith, typical teenager with a big secret in 'Wolfblood'
Rhydian Morris, ang lone wolf ng 'Wolfblood'