GMA Logo Shark Attack movie
What's on TV

'Shark Attack' starring Jenny McShane, tampok sa GTV ngayong weekend

By Jashley Ann Cruz
Published December 10, 2022 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Shark Attack movie


Kabilang ang 'Shark Attack' starring Jenny McShane sa mga pelikulang inihanda ng GTV ngayong weekend.

Puno ng thrill at romance ang weekend kasama ang mga pelikulang inihanda ng GTV.

Isang mapanganib na shark ang katatakutan sa Shark Attack, starring Jenny McShane.

Tungkol ito sa isang marine biologist na aalamin ang totoong dahilan ng pagkamatay ng kanyang kaibigan at kung bakit dumarami ang shark attacks sa isang tahimik na African fishing village.

Abangan ang Shark Attack, December 10, 7:00 p.m. sa G!Flicks.

Para naman sa fans ng crime/thriller films, nariyan ang Cold War.

Tungkol ito sa buhay ng mga Hong Kong police officers at ang corruption sa sistema na matutuklasan dahil sa Cold War Mission.

Tampok sa pelikula ang mga actor na si Aaron Kwok, Tony Leung Ka-fai, Andy Lau, Charlie Yeung, and Gordon Lam.

Tunghayan ang Cold War ngayong December 12, 9:45 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.