
Mabilis na tinapos ng Megastar na si Sharon Cuneta ang isyu na magkaaway o may problema sila ng TV host/content creator na si Kris Aquino.
#BatiNaTayo: Magkaaway noon, friends na ngayon
Isang netizen kasi ang diretsahang tinanong ang veteran actress/singer kung kumusta ang relasyon niya kay Kris.
Tugon ni Sharon, “We have no problem and I certainly do not want to cause one.”
Nagkatampuhan ang dalawa taong 2012 dahil napagkamalan ng Megastar ang parody “Krissy” sa isang blog bilang ang totoong Queen of All Media.