GMA Logo Sharon Cuneta family covid
Celebrity Life

Sharon Cuneta, humingi ng dasal sa publiko matapos tamaan ng COVID-19 ang apat na miyembro ng kaniyang pamilya

By Aedrianne Acar
Published November 5, 2022 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta family covid


Dasal at suporta ang kailangan ni Megastar Sharon Cuneta matapos madagdagan pa ang COVID-19 positive sa kaniyang pamilya.

Labis ang pag-aalala ni Megastar Sharon Cuneta, matapos madagdagan pa nang isang miyembro ng kaniyang pamilya na may sakit ngayon na COVID-19.

Sa unang araw ng Nobyembre, ibinalita ng award-winning TV and movie actress na tatlo sa kanila ang nag-positibo sa nakakahawang sakit.

Pero nitong Huwebes, November 3, nag-post muli ang misis ni former Senator Kiko Pangilinan na may isa pang tinamaan sa kanila.

Humingi naman ng dasal mula sa kaniyang fans at publiko si Sharon para sa agarang paggaling ng mga mahal niya sa buhay.

“Now 4 in our family are down with Covid. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all.”

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Nagpaabot naman ng suporta ang mga kasamahan ni Megastar sa show business tulad ng talent manager na si Noel Ferrer, Lorna Tolentino, at Start-Up PH star Jackie Lou Blanco.

HERE ARE THE CELEBRITY FAMILIES AND THEIR HARROWING BATTLE AGAINST COVID-19: