GMA Logo Sharon Cuneta Fanny Serrano death hoax
Celebrity Life

Sharon Cuneta, nagalit sa kumalat na death rumor laban kay Fanny Serrano

By Bong Godinez
Published March 26, 2021 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta Fanny Serrano death hoax


“Please help us spread the word that he is still with us. Buhay pa s'ya,” Sharon Cuneta said in reaction to the fake news surrounding Fanny Serrano's health condition.

Buhay at may malay ang sikat na stylist at makeup artist na si Fanny Serrano.

Ito ang idiniin ni Megastar Sharon Cuneta matapos kumalat ang balita kahapon sa social media na diumano ay pumanaw na si Fanny.

Kasalukuyang nasa ospital si Fanny - na kilala rin sa showbiz as Tita Fanny o TF - matapos itong ma-stroke noong March 16.

Noong March 24 ay malungkot na ibinalita ni Sharon sa pamamagitan ng Instagram na maselan ang kondisyon ni Fanny at “on life support” na ito.

Pero wala raw katotohanan ang tsismis na tuluyan nang namaalam si TF.

“This is circulating now. It is fake news. May malay daw si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko sya kahit di sya makasagot,” kuwento ni Sharon sa kanyang Instagram account.

“Please help us spread the word that he is still with us. Buhay pa sya. And to those who have nothing better to do, this is not the time to be a**holes okay? Sorry pero ang sasama nyo!”

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Nakilala ang nag-post ng nasabing fake news sa pangalang Esmael Bernardino Lopena.

Konsehal sa Calumpit, Bulacan si Esmael at lumalabas din bilang aktor sa mga indie films.

Humingi naman nang paumanhin si Esmael kay Sharon at sinabing maling impormasyon ang nakarating sa kanya.

“Hi maam Sharon I am realy realy sorry for that miss information I am Esmael Lopena From Calumpit Bulacan And I am a so big fan of you and Tita Fanny Serrano,” komento ni Esmael sa post ni Sharon.

“I was a big big mistake I... I deleted my post right away... mali po ang nagbalita rin sa akin sa group chat namin and binawi nya po ito agad I am so so sorry.”

Nag-sorry rin si Esmael sa mga celebrities na nag-react at nadismaya sa kumalat na maling impormasyon.

“hi Miss Pops ... That post was deleted right away ... it was a big mistake . Wala po akong intensyon na masama , i am so sorry,” sagot ni Esmael sa komento ng singer-actress at host na si Pops Fernandez.

“Mali din po ang nakarating na balita sa akin kanina ... agad na binawi rin po ng taong nagbalita sa akin , patawarin nyo po ako . At mali ang information din sa akin .... mataas ang tingin at Paggalang ko kay tita Fanny . At wala rin akong ibang hanfad kundi ang siya ay mapabuti ..... hindi po ako masamang tao.”

Nag-reply naman si Pops at sinabing, “Thank you for taking it down.”

Sa kasalukuyan naman ay nasa IG pa rin ni Sharon ang screenshot ng post ni Esmael.

Samantala, alamin kung sino pa sa mga local celebrities natin ang naging biktima ng death hoax over the years: