What's Hot

Sharon Cuneta, nagsalita na tungkol kay KC Concepcion

By Nherz Almo
Published September 16, 2023 3:16 PM PHT
Updated September 18, 2023 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta


Sharon Cuneta, sa isyu tungkol kay KC Concepcion: "It's really just a small thing that got a bit out of hand and it's a family matter."

Pinaunlakan ni Sharon Cuneta ang tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng anak niyang si KC Concepcion sa ginanap na media conference ng Dear Heart concert kahapon, September 15.

Nauna nang nakiusap ang host ng programa na si Jun Lalin na iwasan ang magtanong tungkol sa mga isyung labas sa gagawing concert ng ex-couple na sina Sharon at Gabby Concepcion. Pero nang sumalang na si Megastar sa Q&A, pinagbigyan naman niya ang mga tanong ng karamihan sa entertainment media tungkol kay KC. Isa na rito ang umano'y pag-unfollow niya sa stepdad niyang si ex-Senator Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan.

“Yung pag uunfollow, alam ko you're all curious about that,” sabi ni Sharon.

“Ito na lang sasabihin ko, like i said in my post, uulitin ko na lang. Di ba sabi niya hindi naman talaga kami perfect, wala naman, e. If I didnt have my parents and my brother and my best friends and people like Ate Baby [Gil] in my life and Mama Mina [Aragon]--all those people that sincerely cared about me when I was growing up, especially in the business--I probably turned out to be a very horrible, arrogant person. Kasi, impressionable ang bata. Akala mo yung fame, pinakamagaling ka na sa lahat. So siguro nagkaroon lang ng konting let's just say…

“Okay first, of all among my children, KC is the one that is the most--let's just say she's the opposite of me. Ang lakas ng dugo ng papa niya kaya sila magkasundo they're the same, for better or for worse they're the same. Sometimes 'pag pinapaalalahanan ang isang tao ng amain, anak, kapatid, mommy, merong mga tao na ayaw nila ng--I have to be careful--ganun lang pagtatampuhan, so ganun lang yun.”

Hindi na idinetalye ni Sharon kung ano ang naging sanhi ng naturang tampuhan.

Gayunman, natutuwa naman daw si Sharon dahil malapit ngayon si KC sa kanyang amang si Gabby.

“It hurt me, siyempre, may unfollow-unfollow, pero pamilya kami. This is a family matter and she's close to her papa now and that makes me happy because they lost so many years together,” sabi ni Sharon.

Sa kanyang mahabang pahayag, nabanggit din ni Sharon na anuman ang mangyari, nanatili siyang supportive mom sa kanyang panganay na anak.

“I'm a mother first,” sabi ng singer-actress. “I love KC very very much I would die for her, for Frankie, for Miel, and Miguel and I had to, silang apat lang ang papayag akong mamatay kaysa sa kanila. Remember when she was born, sabi ko, paglaki ni KC, 'pag dumating ang panahon na may nakalaan sa kanya na problema, sana sa akin na lang ibigay. Kasi, alam ko na yung strengths ko, yung capacity ko kakayanin ko and hindi ko alam kung kakayanin niya yan. So, ayoko masaktan yung anak ko.”

Kaugnay ng isyung ito, nagbigay rin ng mensahe si Sharon sa mga nakaantabay sa sasabihin niya tungkol sa kanila ng kanyang anak.

“Yung mga namba-bash sa amin, na yun bang mga siguro gusto maging nanay ni KC Ha-ha! Or yung mga troll yung mga troll lang na walang magawa o fans na hindi nakakaintindi, huwag kayo magdunung-dunungan kasi hindi kami yung pamilyang…

“Ang showbiz, trabaho namin, hindi kami showbiz na pamilya. Pag-uwi we're very decent and private and some things have to say within the family, so you can't expect me na siraan ko ang anak ko, I will never do that.”

Samantala, napatunayan naman ito ni Sharon dahil sa kabila ng mga kasalukuyang isyu, ipinakita niya ang suporta kay KC at sa bago nitong pelikula na Asian Persuasion.

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa comment section, marami ang nag-like sa ni KC na, “Like I always tell you mama, tho I'm not perfect, everything I do is for you ♥️”

Sa panayam ni Ogie Diaz kay KC kamakailan, sinabi ng aktres, "Okay kami, we love each other very much."

Sa huling bahagi ng pahayag ni Sharon, humingi rin siya ng paumanhin sa asawa niyang si Kiko at pamilya nito.

Ani Sharon, "I wanna apologize to Kiko and the Pangilinan clan kasi nadawit dahil dun sa pagka-public noong pag unfollow. It's really just a small thing that got a bit out of hand and it's a family matter.

"So,whatever it is i will always support my daughter, I will always love her and I will always be her mom and tell her what she's doing right and tell her what she's doing wrong until I'm 80 and she's alive."