GMA Logo Sharon Cuneta Kiko Pangilinan indoor exercise
Celebrity Life

Sharon Cuneta pokes fun at Senator Kiko Pangilinan's indoor exercise

By Cara Emmeline Garcia
Published April 17, 2020 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan indoor exercise


“At ganito po ngayon ang pag-exercise bilang ECQ,” ani Sharon Cuneta nang makita si Senator Kiko Pangilinan na naglalakad sa bahay.

Hindi napigilang tawanan ni Megastar Sharon Cuneta si Senator Francis “Kiko” Pangilinan habang nag-e-exercise ang asawa sa loob ng kanilang bahay kahapon, April 16.

Sa Instagram, ibinahagi ng singer at actress ang isang video na nagpapakitang nagbi-brisk walk si Sen. Kiko sa loob ng kanilang bahay.

“At ganito po ngayon ang kanyang pag-exercise bilang may ECQ! Hahaha,” isinulat ni Sharon sa caption.

Madidinig din sa video ang halakhak ng singer habang pinapanood ang asawa na mukhang walang pakialam sa tawa ni Sharon.

At ganito po ngayon ang kanyang pag-exercise bilang may ECQ! Hahaha!😂😂😂

Isang post na ibinahagi ni ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) noong

Maliban kay Sharon, tuwang-tuwa rin ang kanilang anak na si Frankie at ilang celebrity friends nila tulad nina Gary Valenciano, Chito Miranda, Billy Crawford, at Angeline Quinto.

Sambit ni Frankie, “Hahaha! Kaya pala banat tawa mo Mama! Please naman, nagzu-zoom meeting pa po ako.”

Habang ang ilang netizens, pinuri ang pagiging physically active ng senator.

Anang isang netizen, “Tama po 'yan! Mag-exercise while on ECQ. No excuse to exercise now. Stay safe and healthy po.”

Payo naman ng isa, “Senator, try mo po bumaba sa lobby gamit ang stairs. Isang roundtrip lang keri na pang exercise isang linggo.”

Sharon Cuneta enumerates Senator Kiko Pangilinan's relief efforts to bashers

Sharon Cuneta, sinagot ang basher na nagsabing lagi na lang pinupuna ni Sen. Francis Pangilinan ang gobyerno