
Puno ng paghanga si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Honor Thy Mother co-stars na sina Barbie Forteza at Khalil Ramos dahil sa kanilang galing bilang mga aktor at mga anak sa kanilang mga magulang.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 3, inamin ni Sharon na na-in love na siya kina Barbie at Khalil.
“I have fallen in love with Barbie, very hard. Barbie and Khalil. And I call lots of people anak, but those who are closest to me, sa mga artistang bata ay number one, Julia Montes, Alden, and Barbie, and then Julia Barretto also. Barbie and Khalil,” sabi ng Megastar.
Inilarawan din ni Sharon si Barbie bilang isang great actress, at sinabing masarap kaeksena ang Kapuso Primetime Princess.
“Barbie is amazing for her age, parang limang lifetime na ang pinagdaanan ng batang ito sa lalim ng emosyon. She's so good,” sabi ni Sharon.
Patungkol naman kay Khalil, sabi ng Megastar, “I adore Khalil Ramos. He's such a good boy; his parents did such a good job in raising him. But Barbie as well. Bago niya isipin ang sarili niya, iniisip niya ang parents niya, 'yung pamilya niya. I admire that.”
KILALANIN ANG BUONG CAST NG 'HONOR THY MOTHER' NA IPINAKILALA SA NAGANAP NA STORYCON SA GALLERY NA ITO:
Samantala, sobrang relate din si Sharon sa karakter niya sa Honor Thy Mother na si Diana Aragon bilang isang ina at anak. Pagbabahagi ng aktres, hanggang sa huli ay proud siyang sabihin naging mabuti siyang anak at inalagaan ang kanyang ama at ina bago sila pumanaw.
“Everyone knows naman, I'm closer to my dad. My mom and I had friction at certain points but I never lost respect or love for my mom. I love her to the moon and back. Sa akin, hindi 'yan kapag nagkaanak ka, bibigyan mo ng responsibilidad na alagaan ka. Pero kapag anak ka, dapat gawin mong responsibilidad na alagaan mo ang magulang mo,” sabi ng aktres.
Bilang ina, gusto umano ng Megastar na i-honor siya ng kanyang mga anak at marinig na na-a-appreciate sila ng mga ito.
Ngunit pagdating sa pag-aalaga sa kanya, “I'm not gonna impose, 'yung ayokong maging pabigat sa mga anak ko, pero sila 'yung nagsasabi, 'Of course not, Mama, we'll take care of you.' 'Cause you'll never know what tomorrow will bring. After all, you're family.”