
“Let's give her a break and let her go through what she has to go through.”
Ito ang naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta nang tanungin tungkol sa balitang paghihiwalay ng anak niyang si KC Concepcion at French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.
Nakumpirma kamakailan ang pagtatapos ng relasyon ng dalawa nang ihayag ni KC sa isang interview, “Yes, I'm open [to dating].”
LOOK: Meet KC Concepcion's new French boyfriend
Sa parte ni Sharon, hindi pa raw niya nakakausap tungkol dito.
“I haven't spoken to her diretso. But you know, she's okay.
“She's a full grown adult. So, unless she tells me, ayaw ko talagang nakikiusyoso,” sabi ni Sharon na maingat sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa isyu.
Nakapanayam siya ng ilang entertainment reporters pagkatapos ng press conference ng Iconic concert kahapon, September 23.
“I can't talk about her love life, unfortunately. She's okay,” sabi pa ni Sharon.
Gayunman, nakiusap ang singer-actress sa publiko na huwag agad husgahan ang kanyang anak at dating boyfriend nito.
Aniya, “Let me just say this in general, kapag ang relationship… I'm not just talking about KC, but in general.
“When a relationship doesn't work out between two people, hindi naman ibig sabihin na ang isa ay kailangan masama o 'yung isa kailangan masama.
“Minsan, kahit maraming love, malaki ang respeto para sa isa't isa, mayroon talagang hindi pinagkakasunduan, kahit parehong mabuting tao.”
Dagdag pa niya, “Diretsuhin ko na, sina KC at Pierre, parehong matinong tao, parehong tunay ang intensiyon sa isa't isa.
“Maaaring mayroong mga hindi pinagkakasunduan, we can't really judge.
“I'm just saying na I know my daughter and I think I know Pierre a little better than I did before. They're both good people.
“Minsan lang talaga huwag tayong mabilis maghusga.
“Minsan mas mabuti nang ganun kaysa magkatuluyan para lang magkahiwalay. Mas masakit 'yun, 'di ba?
“So I think, she's just being extra careful.
“So, let's give her that, the respect that she deserves as well as the respect that the other party deserves.
“'Di nila deserve na pinakikialaman, bina-bash sila ng mga taong di naman nila kilala.”
Samantala, hindi naman daw pine-pressure ni Sharon ang kanyang panganay na anak na si KC pagdating sa pagkakaroon ng pamilya.
Sa katunayan, aniya, “I told her years ago, 'You don't have to get married if you feel you don't have to. Huwag mong pilitin just because.'
“Sabi ko nga, 'Kung gusto mo, you just freeze your eggs and just, you know, help someone make a baby. Just don't deprive me of beautiful grandchildren.'”