
Magkakaiba man ng personality at hobbies, agad na nag-click sa kanilang first-ever dance video shoot sina Shayne Sava, Dasuri Choi, Caitlyn Stave, at Kirsten Gonzales.
Noong September 24, inilabas na nina Shayne, Dasuri, Caitlyn, at Kirsten ang kanilang unang music video bilang KGGL girls para sa commercial ng isang hair care brand.
Sa interview kay Cata Tibayan ng 24 Oras, ibinahagi nina Shayne, Dasuri, Caitlyn, at Kirsten na hilig na nila ang pagsasayaw kaya naman agad silang naging malapit sa isa't isa.
"Kay Kirsten at Caitlyn po ako nagpaturo ng dance. Tinulungan po nila ako," sabi ni Shayne. "Super fun lang talaga ng shoot kasi we were having fun and we were enjoying lang."
Sa kanilang girl group na KGGL, si Dasuri ang nagsisilbing pinaka ate. Aniya, "As ate, I always make sure na they feel comfortable sa set and if may nakalimutan sila na step, I always guide them."
MAS KILALANIN SI DASURI CHOI SA GALLERY NA ITO: