GMA Logo shayne sava and abdul raman
What's on TV

Shayne Sava at Abdul Raman, handa nang magpakilig sa 'Raising Mamay'

By Jansen Ramos
Published April 21, 2022 4:35 PM PHT
Updated April 25, 2022 12:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

shayne sava and abdul raman


Mapapanood sina Shayne Sava at Abdul Raman bilang love team sa 'Raising Mamay' simula April 25 sa GMA Afternoon Prime.

Mas mapagtutuunan ang loveteam nina Shayne Sava at Abdul Raman sa bagong GMA afternoon drama na Raising Mamay na ipapalabas na sa Lunes, April 25.

Unang ipinakilala ang tambalan ng dalawa sa 2021 Kapuso primetime series na Legal Wives.

Pagbibidahan ang Raising Mamay ng aktres na si Aiai Delas Alas na ina ni Shayne sa serye. Ang team-up nina Shayne at Abdul ang maghahatid ng romantic aspect sa drama.

"For me, mas grabe 'yung pressure...ito po kasi first ever lead po naming dalawa so mas grabe po 'yung effort and 'yung time po na ina-allot po namin para maaral 'yung script.

"Saka grabe po' yung effort namin para ma-workout namin 'yung chemistry naming dalawa kasi syempre sa mismong tema na ina na naging anak, anak na naging ina, may love team din po," bahagi ni Shayne sa panayam ng GMANetwork.com

Para kay Abdul, naging training ground nila ang Legal Wives para mas maging komportable sila ni Shane sa isa't isa.

Sabi niya, "Maraming mga pressure na nawala sa Legal Wives kasi from a cultural standpoint, ibang-iba siya from other shows airing during that time even know and syempre 'yung first naming serye with an all-star cast 'tapos primetime pa.

"Kasi ngayon naman iba naman 'yung pressure although nawala na 'yung pressure na hindi na kami sobrang newbie, 'yung bagong pressure naman dito is kami naman 'yung lead and we're gonna have a lot more scenes, a lot of closeups, a lot more is expected from us than Legal Iives I bet."

Aminado mang pressured, mas nangingibabaw pa rin daw kay Abdul ang excitement matapos mabiyayaan agad ng lead role.

Patuloy niya, "Pero mas na-o-overpower 'yung feeling na excited na finally and meron kaming lead agad-agad and nakaka-proud lang for the both of us.

"We are very excited about this project. I am very excited for my character and how I can play around with Paolo and it's gonna be great fun."

Kung si Shayne ay 'anak na magiging ina' sa Raising Mamay, bibigyang-buhay naman ni Abdul ang bruskong si Paolo. Mayabang ang dating ni Paolo kay Abigail pero sincere ito at matulungin.

"Sa character ko naman si Paolo, I can relate to him a bit kasi ando'n 'yung pagiging bully kay Shayne and being a bad guy in general," sabi pa ni Abdul.

Sabay buo ng kanyang leading lady, "Sa personal po, sanay na po ako sa mga pambu-bully niya."

Ang tambalan nina Shayne at Abdul ay isa lamang sa limang love team na ipinakilala ng Sparkle.

Tingnan sa gallery na ito kung bakit sila "perfect match:"