
Aminado ang aktres na si Shayne Sava na isang blessing ang pagiging love team nila ni Abdul Raman.
Nagsimula sa Legal Wives ang kanilang tambalan ni Shayne at Abdul na ngayon ay mapapanood na rin sa Raising Mamay.
"Kung idi-describe ko siya in one word, blessing. After StarStruck, nagkaroon ng pandemic agad, so hindi pa kami nasundan agad ng mga work. 'Yung mga dapat na work namin, siyempre hindi natuloy dahil nagkaroon ng pandemic," pag-amin ni Shayne.
"And then starting 2021, ayun nga 'yung Legal Wives...sobrang isa sa pinaka-memorable for me, not only kasi ito 'yung unang-una naming teleserye pero kasi because of the people surrounding us, 'yun talaga 'yung nagpa-memorable nun.
"And of course, 'yung ni-launch kami sa AOS, parang hindi ako makapaniwala na ito na talaga 'yun, na finally, parang nakakakilig siya, and sobrang nakaka-happy and grateful na isa kami sa ni-launch as love teams kaya it's official," aniya.
Isa ang love team nina Shayne at Abdul, o mas kilala bilang AbDayne, sa ipinakilala ng Sparkle GMA Artist Center sa All-Out Sundays noong February 13 bilang parte ng "Sparkle Sweethearts."
Dagdag ni Abdul, "I never expected na tayo 'yung one of the five na mapipili ni Mr. M para i-launch. For me, it's a great honor, it's a great blessing, actually."
"And I'm looking to our future together. Very, very excited ako for what's about to come for us."
Dream projects
Ngayong opisyal na ang pagiging love team nina Shayne at Abdul, ano kayang projects ang gusto nila gawing magkasama?
Sagot ni Shayne, "Napag-usapan namin, since we both like action, we want to do action. If ever lang na bigyan kami, we would very appreciate it. And also fantasy."
Bukod sa action at fantasy, gusto rin makagawa nina Shayne at Abdul ng science fiction na teleserye o pelikula dahil ito ang gustong-gusto nilang pinapanood.
Ani Abdul, "Basically, we're both big nerds. Hindi lang halata pero we're both huge, dorky nerds."
Narito ang ilang rason kung bakit perfect na perfect sina Shayne at Abdul sa isa't isa: