GMA Logo Shayne Sava at Althea Ablan
What's on TV

Shayne Sava at Althea Ablan, inilahad ang kanilang mga iniidolo sa pag-arte

By Dianne Mariano
Published July 21, 2023 3:02 PM PHT
Updated March 15, 2024 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heart Evangelista, enjoy sa pagiging host ng 'The People Have Spoken'
DepEd assures all students can enroll
'AraBella' grand finale, abangan sa GTV!

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava at Althea Ablan


Alamin kung sino ang iniidolong mga artista nina Sparkle stars Shayne Sava at Althea Ablan dito.

Naghatid ng saya ang Sparkle stars na sina Shayne Sava at Althea Ablan sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (March 10).

Ipinamalas ng guest celebrities ang kanilang talento sa pag-arte nang sumabak sila sa acting challenge na “Roleta ng Kadramahan,” kung saan kailangan nilang iarte ang mga binigay na linya base sa emosyon na napili sa roleta.

Bukod sa dalawang Sparkle stars, sumalang din sa aktingan sina TBATS hosts Boobay at Tekla.

REMOVE FIRST VIDEO EMBED

Matapos ito, tinanong ng hosts kung sino ang iniidolo nina Shayne at Althea pagdating sa pag-arte. Ayon kay Althea, iniidolo niya si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza dahil sa pagiging versatile nito bilang aktres.

Aniya, “Nilu-look up ko si Barbie Forteza kasi napaka-versatile niya. Kahit ano'ng characters ibigay sa kanya kaya niya talagang gampanan.”

Para naman kay Shayne, iniidolo niya ang seasoned actress na si Irma Adlawan, na aniya'y nakatrabaho niya noon.

Ibinahagi rin ng Sparkle beauties ang limang excuses kapag nale-late sa “TBATS Top 5.” Ano-ano kaya ang mga ito?

Bukod dito, matapang na binasa nina Shayne at Althea ang meanest comments, na mula sa social media, sa segment na “Ang Harsh.” Ano kaya ang masasabi ng young Kapuso stars tungkol sa mga ito?

Para sa nonstop saya at good vibes, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Pinoy Hits. Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 11:05 p.m.