What's on TV

Shayne Sava at Kim De Leon on being StarStruck's Ultimate Male and Female Survivors: "Napakalaking karangalan at responsibilidad"

By Maine Aquino
Published September 15, 2019 9:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Concern raised over maggots in lechon at Davao City restaurant
Coca-Cola Philippines’ iSTAR Program Powers Family-Owned Carinderia’s Rise in Cebu
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News



Puno ng saya at pasasalamat sina Kim De Leon at Shayne Sava nang tanghalin silang Ultimate Male and Female Survivors ng StarStruck season 7.

Puno ng saya at pasasalamat sina Shayne Sava at Kim De Leon nang sila ay tanghalin na Ultimate Male and Female Survivors ng StarStruck season 7.

Kuwento ni Kim, "Sobrang thankful ko po talaga. Hindi ko po mapigilan mapaiyak kanina."

Si Shayne naman ay nagpasalamat sa panginoon sa kanyang nakuhang blessing. "Blessed po, unang-una sa lahat. Salamat po kay God!"

Ang StarStruck Ultimate Male and Female Survivors ay nakakuha ng PhP one million cash, management contract worth PhP 5 million sa GMA Network, and house and lot. Ibinahagi ni Shayne ang kanyang gagawin sa mga premyong kanilang nakuha.

Saad ni Shayne, "Unang-una po savings para po sa sarili ko, para po sa family ko. 'Yung sa prizes po at sa contract sa GMA po, hindi ko po sasayangin 'yun."

Si Kim naman ay sinabing malaking responsibilidad ang kanilang haharapin ni Shayne bilang Ultimate Male and Female Survivors.

"Napakalaking karangalan po at the same time, responsibilidad ito para sa amin."

Kim de Leon and Shayne Sava are 'StarStruck' season 7 Ultimate Male and Female Survivors