What's on TV

Shayne Sava at Prince Carlos, magkababata sa 'Regal Studio Presents: Dating Mr Heartthrob'

By Marah Ruiz
Published March 13, 2026 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taxi operators in CDO seek increase in flag-down rate
2 aso, hinataw ng baseball bat ng lalaking matadero sa Maynila; 1 sa mga aso, patay
Kao Supassara and Janeyeh Methika's photos that capture their special bond

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Gaganap sina Shayne Sava at Prince Carlos bilang childhood friends sa 'Regal Studio Presents: Dating Mr. Heartthrob.'

Sina Kapuso stars Shanye Sava at Prince Carlos ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Maghahatid sila ng nostalgic love story sa "Dating Mr. Heartthrob."


Gaganap si Shayne bilang bookshop employee na si April, habang si Prince naman si Loewen, artistang nagpapahinga mula sa kanyang busy showbiz schedule.

Matapos ang maraming taon, muling magkikita ang dalawa sa lumang bookshop na pinagtatrabahuhan ni April.

Magre-reminisce sila tungkol sa kanilang friendship noong mga bata pa sila, pati na sa feelings na itinago nila noon.

Chance na ba ito para maipagpatuloy ang kanilang love story? Paano kung kailangan nang bumalik ni Loewen sa buhay artista?

SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:



Huwag palampasin ang bagong episode na "Dating Mr. Heartthrob," March 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.