
Interesting at nakakaintriga ang character ni Aiai Delas Alas at ng baguhang artista na si Shayne Sava sa upcoming GMA drama na Raising Mamay.
Sa bagong teaser ng programa, mapapanood ang reversal of roles ng dalawa na gaganap na mag-ina na sina Letty at Abigail. "Mamay" kung tawagin ni Abigal ang kanyang nanay.
Mababaril si Letty na magreresulta sa traumatic brain injury na magiging cause ng age regression.
Babalik sa pagkabata ang behavior ni Letty kaya aakalain niyang si Abigail ang kanyang ina. Ang teenager na si Abigail ang magiging guardian ni Letty matapos silang iwan ng kanilang padre de pamilya na si Bong (Antonio Aquitania).
Ayon kay Shayne, nakakaantig ang storyline ng Raising Mamay.
"Sobrang mapagmahal [ni Abigail] sa magulang n'ya lalo na sa Mamay n'ya. When it comes to her family, gagawin n'ya talaga lahat para lang maging maayos 'yung pamilya n'ya, sumaya 'yung Mamay n'ya and do'n ako nakaka-relate,” pagbabahagi ni Shayne sa GMANetwork.com.
"And feeling ko lalong makaka-relate 'yung mga makakanood pa nito kasi this is all about family kasi dini-discuss dito hindi lang hardships ng mga anak, kundi 'yung paghihirap din ng mga magulang," dagdag niya.
First lead ni Shayne ang Raising Mamay matapos siyang lumabas sa Legal Wives.
Sa Legal Wives, gumanap si Shayne bilang Jamilah na mula sa mayamang angkan ng Makadatu.
Kahit baguhan, mga bigatin na ang mga nakaekesna ni Shayne sa cultural series kabilang na ang batikang aktres na si Cherie Gil, na parte ng council ng StarStruck Season 7 kung saan nagwagi ang una. Ipinalabas ang seventh edition ng Kapuso reality artista search noong 2019.
Ayon kay Shayne, mas dama niya ang pressure sa bago niyang show na Raising Mamay lalo na at panibagong batikang aktres ang makakasama niya, ang Comedy Queen na si Aiai.
Gayunpaman, napanatag agad ang loob niya matapos purihin ng komedyante at dramatic actress.
Kwento ni Shayne, "Sobra po akong kinikilig talaga no'ng sinabi po ni Ms. Aiai na gusto na niya ako unang kita pa lang niya sa 'kin like parang 'di ko alam 'yung mararamdaman ko sa sobrang kilig, sa sobrang tuwa kasi siyempre po 'di ba dati pinapanood ko lang si Ms. Aiai sa mga movies n'ya, sa mga teleseryes n'ya so ngayon makakatrabaho ko na siya.”
"Ang sarap lang po feeling na na-a-appreciate ka lalo na ng mga veteran actors and actresses and siyempre pakiramdam ko po na-aappreciate nila 'yung mga effort namin, 'yung effort ko when it comes to my craft so it's very overwhelming. Sobrang nakakataba ng puso," aniya.
Dalawang buwan magsasama-sama ang cast ng Raising Mamay.
Nagsimula ang lock-in taping ng serye noong February 25 at matatapos ngayong buwan.
Parte rin ng cast ng Raising Mamay ang iba pang artista na matatagal na sa industriya gaya nina Gary Estrada, Antonio Aquitania, at Valerie Concepcion.
Bilang bagong aktres, isang magandang oportunidad para kay Shayne na ma-mentor ng kanyang co-stars na nakatatanda sa kanya.
"Iba po kasi 'yung feeling kapag kasama mo sila sa set kasi madami ka talagang matututunan sa kanila not only about work but also about their experiences outside their work,” pagbabahagi niya. "Siyempre kapag kinakausap mo sila, kinukwentuhan ka nila, may matututunan ka rin sa mga experience nila in life kung paano nila ginawa 'to, ginawa 'yan.”
"'Tapos eventually binibigyan nila kami lagi ng mga advice and honored po ako na makasama si Ms. Ai and 'yung iba pa pong cast ng Raising Mamay and looking forward po ako na makakakuha pa po ng more advice and tips sa kanila na talagang makakatulong po sa 'kin to motivate and inspire more people."
Bukod sa tambalan nila ni Aiai, mabibigyan din ng atensyon ang love team nina Shayne at Abdul Raman sa Raising Mamay na ipapalabas simula April 25.
Sina Shayne at Abdul ay isang pares lamang sa limang love team na in-introduce ng GMA bilang Sparkle Sweethearts. Kilalanin ang iba pang pares dito: