What's on TV

Shayne Sava, gustong sundan ang yapak nina Katrina Halili at kanyang look-alike na si Kris Bernal

By Maine Aquino
Published September 12, 2019 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava gustong sundan ang yapak nina Katrina Halili at Kris Bernal


Inamin ni Shayne Sava sa 'StarStruck' Final 4 media conference nitong September 11 na hinahangaan niya ang 'StarStruck' graduate at kanyang mentor na si Katrina Halili at kanyang look-alike na si Kris Bernal.

Inamin ni Shayne Sava sa StarStruck Final 4 media conference nitong September 11 na hinahangaan niya ang StarStruck graduate at kanyang mentor na si Katrina Halili at kanyang look-alike na si Kris Bernal.

Shayne Sava
Shayne Sava


Ayon kay Shayne, maaga man natanggal si Katrina ay nagsumikap naman ito sa industriya.

"Si Ate Kat po, hindi po siya tumagal po halos sa StarStruck pero tingnan naman po natin ngayon, isa po siya sa kilala po bilang artista. 'Yung pagiging pursigido niya po. Yun po yung pinakahinahangaan ko po sa kanya.

Natuwa naman si Shayne na naikukumpara siya sa isa sa mga sikat na StarStruck graduate na si Kris Bernal.

"Flattered po ako na may resemblance po kami ni Ate Kris."

Umaasa rin si Shayne na matulad rin ang kanyang showbiz career kay Kris.

"Sana po hindi lang kami magkamukha, sana rin po maabot ko rin po kung nasaan man po siya ngayon kasi alam naman po natin na malayo na po yung narating niya. Sana po marating ko rin po yung ganung achievement po."

Abangan si Shayne sa StarStruck Final Judgment ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.