GMA Logo Shayne Sava
What's Hot

Shayne Sava hopes to work with Marian Rivera in a fantasy series

By Aimee Anoc
Published November 27, 2022 6:34 PM PHT
Updated November 27, 2022 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava


Ilan sa mga gustong makatrabaho ni Shayne Sava sa GMA ay sina Marian Rivera at Rhian Ramos.

Looking forward ngayon si Kapuso actress Shayne Sava sa mga susunod na proyekto sa GMA, matapos na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Shayne na nagtitiwala siya sa anumang proyektong ibigay sa kanya ng Kapuso Network.

"Ako po kasi as long as naniniwala 'yung management sa akin, naniniwala ang Sparkle sa akin, ang GMA sa akin, sila lang po ang pinagkakatiwalaan ko. Kung ano man po ang ibigay nila sa akin na work like mga projects po, tatanggapin ko po 'yun nang buong-buo na puso po," sabi ng aktres.

Ilan sa mga artistang gustong makatrabaho ni Shayne sa GMA ay sina Primetime Queen Marian Rivera at Rhian Ramos.

"Kasi nakasama ko na po sa 'StarStruck' si Ms. Rhian and I saw how good she is whenever she's acting. And syempre Ms Marian Rivera, alam naman po natin kung gaano s'ya kagaling na artista."

Ayon kay Shayne, nais niyang makatrabaho sa isang fantaseries si Marian. Aniya, "Syempre si Ate Marian, nag-Darna na. Si Ate Rhian sa 'StarStruck' namin parang fantasy 'yung ginampanan n'ya roon... ang galing-galing n'ya."

Sa ngayon, abala si Shayne sa taping ng upcoming GMA Afternoon series na AraBella kung saan makakasama niya sina Althea Ablan at Camille Prats.

Pagbabahagi ni Shayne, malayo sa nauna na niyang show na Raising Mamay ang role na gagampanan niya sa AraBella.

"Marami po[ng aabangan] kasi syempre kasama ko pa rin si Abdul Raman, nandito rin po si Saviour Ramos, si Tita Nova [Villa], marami pa pong artistang talagang kaabang-abang. And of course, maraming scenes na talaga namang kahindik-hindik, ang lalim pero totoo po 'yun.

"At kailangan n'yo pong abangan kasi first time po naming magkakasama ni [Althea] sa show. As we all know, me and [Althea] are very close friends."

Abangan si Shayne sa AraBella, soon sa GMA.

MAS KILALANIN SI SHAYNE SAVA SA GALLERY NA ITO: