
Dalawang beses hinarap ng Kapuso star at StarStruck season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava ang COVID-19.
Ayon sa aktres, nagpapasalamat siya at naka-recover na siya sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.
Photo source: @shaynesava
Sa ipinadalang mensahe ni Shayne sa GMANetwork.com, ipinaliwanag niya ang naging kaibahan ng kaniyang experience sa COVID-19. Una ay noong hindi pa siya nababakunahan at ang pangalawa naman ay nang tamaan siya muli ng COVID-19 pagkatapos niyang magpa-vaccine.
Saad ni Shayne, "For me, being vaccinated is really a big factor po talaga. Pangalawang beses ko na nagkaroon ng COVID and 'yung unang una is wala pa akong vaccine."
Pag-amin ni Shayne, nahirapan siya sa unang beses dahil hindi pa siya nababakunahan noon. Sa ikalawang beses niyang magpositibo ay mild symptoms na lang ang kaniyang naramdaman.
"Sobrang hirap nun because nawalan talaga ako ng panlasa, pangamoy, nilagnat, inubo, sinipon. While this time around po na may vaccine na ako, hindi na gaano ka-grabe yung nangyari. The only thing na naramdaman ko is mabigat ang pakiramdam and makati na lalamunan. Thank God po, kasi ganun din sa family ko," sabi niya.
Pagpapatuloy ni Shayne, pinapahalagahan niya ang pagpapabakuna dahil sa experience niyang ito.
Saad ng Kapuso star, "That's why vaccines are very important. Not only it can protect you, but it also can protect the people around you."
Nagpasalamat din si Shayne na okay na siya at kaniyang pamilya. Nagpapasalamat din siya kay Abdul Raman na nagpadala ng prutas para makatulong sa kaniyang pagpapagaling.
"I am okay now. Thank you, Lord. Well, 'yung fruits din talaga na binigay sakin ni Abdul helped me a lot po."
Kilalanin ang iba pang mga personalidad na nagpositibo sa COVID-19 ngayong January 2022 sa gallery na ito: