GMA Logo Shayne Sava
What's on TV

Shayne Sava, masaya sa mga tulong ng veteran actresses sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published January 27, 2021 2:47 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava


Nakakatanggap daw si Shayne Sava ng acting tips mula kina Cherie Gil at Irma Adlawan sa 'Legal Wives.'

Bahagi ng upcoming cultural drama series na Legal Wives si StarStruck 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava.

Gaganap siya dito bilang Jamilah, ang pinakabatang miyembro ng mga Macadato, isang pamilyang Maranaw.

Source: shaynesava IG

Makakasama ni Shayne bilang kapwa miyembro ng mga Macadato ang mga beteranang aktres na sina Cherie Gil at Irma Adlawan.

Masaya daw siya na binibigyan siya ng payo ng mga ito kapag nasa set sila.

"May scene po na tinuran po nila 'ko kung paano ko dapat atakihin 'yung script ko, kung paano dapat atakihin 'yung sasabihin ko. Dahil po doon, mas lalo pong nagbigay klaro doon po sa scene po na gagawin namin--kung ano po 'yung dapat kong gawin, kung paano ko pa siya dapat i-deliver.

"Sobrang nakakatuwa lang po kasi nakakakuha ako ng advice tapos galing pa po sa veteran actress so honored po talaga ako," pahayag ni Shayne sa isang online interview kasama ang piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com.

Gayunpaman, nakaramdam din daw ng pressure si Shayne dahil naging judge niya sa StarStruck si Cherie.

"Noong una po talaga, noong medyo una unang scenes namin, nape-pressure po ako kasi kinakabahan ako. Siyempre po judge po namin siya sa StarStruck. Sobrang pressured po ako na baka mali po 'yung magawa ko," ani Shayne.

Buti na lang daw, approachable at generous si Cherie bilang aktres at co-star.

"Pero dahil nga po ginagawa niyang comfortable lahat, sobrang approachable din niya po, 'yung mga next po na scenes namin together, hindi na po ako na-pressure.

"Naging panatag na po 'yung loob ko. Naging at ease na po ako kasi ginagawa nga po niya kasing comfortable po yung lahat," paliwanag ni Shayne.

Dahil sa pagiging co-stars nila sa Legal Wives, nagbago na daw ang pagkakilala niya sa beteranang aktres kumpara sa first impression niya dito noon.

"Noong StarStruck po kasi, parang ang tingin po namin sa kanya lahat ay super terror, strict, tapos super intimidating. Ganyan po yung tingin ko sa kanya before.

"During lock-in taping po namin, nagulat po ako kasi hindi po siya intimidating at all kasi sobrang approachable niya po. Ginagawa niya pong comfortable lahat. Sobrang bait po ni Ms. Cherie Gil, sobrang classy, kaya po talagang honored po talaga ko na makasama ko po siya sa 'Legal Wives,'" aniya.

Bukod kina Shayne, Cherie at Irma, bahagi din ng Legal Wives sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, Al Tantay at marami pang iba.

Kuwento ito ng kakaibang pamilyang Maranaw kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae para iba't ibang dahilan.

Samantala, silipin ang unang mga araw ng lock-in taping ng serye dito: