GMA Logo Shayne Sava, Mel Martinez, Riel Lomadilla from Mommy Dearest
What's on TV

Shayne Sava, Mel Martinez, Riel Lomadilla sa pagtatapos ng 'Mommy Dearest': 'Marami pang dapat abangan'

By Kristian Eric Javier
Published July 9, 2025 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava, Mel Martinez, Riel Lomadilla from Mommy Dearest


Marami pang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng 'Mommy Dearest.'

Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest, mas lalo pa itong dapat tutukan at subaybayan ayon sa mga bida nitong sina Shayne Sava, Mel Martinez, at Riel Lomadilla.

Nitong Miyerkules, Jun 9, bumisita sina Shayne, Mel, at Riel sa “UH Kitchen” segment ng Unang Hirit at ibinahagi kung ano pa ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng serye.

Ani Shayne, mas titindi pa ang mga eksena habang si Riel, ibinahagi ang oberbasyon niya sa mga manonood, “Araw-araw naloloka nga ang mga Kapuso natin sa mga plot twists natin, lalo na ngayon na patapos na, so kailangan abangan talaga.”

Pero pag-amin ni Mel, ngayong patapos na ang kanilang serye, mas mahirap nang sabihin kung ano ang mga susunod na mangyayari. Ang masasabi lang niya, kailangan abangan ng mga manonood 'yung ending.

“Kasi sobrang ganda ng ending, ang daming pasabog so 'wag po kayong bibitaw,” sabi niya.

Saad naman ni Shayne, “Patuloy lang po kayong manood, kumapit po kayo hanggang dulo kasi sobrang dami pa pong pwedeng mangyari sa Mommy Dearest.”

Ngayon malapit nang matapos ang serye, alam umano ni Riel na malulungkot ang mga manonood. Ngunit alam din niyang ikatutuwa ng fans na malaman na sa wakas kung papaano matatapos ang kwento.

BALIKAN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:


Sa huli ay pinasalamatan lang nina Shayne, Mel, at Riel ang mga Kapuso na tumutok at sumubaybay sa Mommy Dearest.

“Unang-una po sa lahat, gusto ko magpasalamat sa lahat po ng sumuporta at patuloy pong sumusubaybay sa Mommy Dearest. Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal ninyo and ramdam na ramdam po talaga namin 'yun,” sabi ni Shayne.

Nagpasalamat din ang young actress sa lubos na pagmamahal ng mga manonood sa kanila na cast, at sa mga karakter ng serye.

Sabi naman ni Mel, “Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumusuporta at still na nanonood, and for making us number one sa GMA Afternoon Prime.”

Nagpasalamat din si Riel sa pagmamahal at pagtanggap na nakuha ng kanilang serye at kung papaano isinama ng mga Kapuso ang Mommy Dearest sa kanilang afternoon routine at habit.

Panoorin ang kanilang panayam dito: