
Patuloy na kinakikiligan ng ilang viewers sina Noah (Xu Kai) at Felicity (Yang Mi) sa She and Her Perfect Husband.
Noong nakaraang linggo, natunghayan ang isa na namang sweet moment nina Felicity at Noah.
Dahil nakainom, bigla na lamang nagbitaw ng sweet words at talaga namang naging makata si Noah nang kausapin niya si Felicity.
Gulat na gulat si Felicity sa mga kilos noon ni Noah lalo na sa mga narinig niya mula sa huli.
Hindi rin niya inaasahan na aalalayan siya ni Noah papasok sa kwarto at pipilitin siyang magpahinga na at matulog.
Walang nagawa si Felicity at tila hindi na niya napigilan na mapangiti sa mga nasaksihan niyang ginawa ni Noah para sa kanya.
Palihim na nga bang nagkakagusto si Noah kay Felicity?
Sa kabilang banda, kilig na ba ang naramdaman ng huli sa una?
Patuloy na subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.
Samantala, kilalanin ang celebrities na may lahing Chinese sa gallery sa ibaba: