
Patuloy na napapanood si Yang Mi sa Chinese romance drama series na She and Her Perfect Husband na kasalukuyang ipinapalabas sa GMA.
Sa pagpapatuloy ng istorya ng serye, mas nakikilala pa ng viewers ang karakter ni Yang Mi na si Felicity.
Sa isa sa episodes nito, muling natunghayan ang seryosong pag-uusap nina Noah (Xu Kai) at Felicity (Yang Mi).
Muling nagkuwento si Felicity kay Noah tungkol sa ilang mga kaganapan sa kanyang career bilang isang lawyer.
“Finally, kahit papaano may mga kaso na akong hinahawakan… Kahit na pag-tsismisan nila ako, ako pa rin ang magaling…”
Bukod pa rito, napag-usapan din nila ang ex ni Felicity at iba pang mga bagay tungkol sa buhay ng huli.
May pinagseselosan na kaya si Noah?
May malalim na bang nararamdaman si Noah para kay Felicity?
Patuloy na subaybayan ang love story nina Noah at Yang Mi sa She and Her Perfect Husband.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.