
Walang humpay ang kilig vibes sa Chinese romance drama series na She and Her Perfect Husband, na kasalukuyang napapanood sa GMA.
Sa pagpapatuloy ng istorya nina Noah (Xu Kai) at Felicity (Yang Mi), tila mas nagiging malambing na sila sa isa't isa.
Isang araw, muling sinubukan ni Felicity na ipagluto si Noah.
Dahil gusto niyang pagsilbihan si Noah, sinubukan niyang maghanda ng pagkain ngunit muli siyang nabigo.
Nang kaharap na niya sa hapag-kainan si Noah, umamin na siyang hindi pa rin siya sanay magluto.
Sabi pa ni Felicity kay Noah, “Hindi ko ma-imagine kung ano ang puwedeng mangyari kung mawawala ka sa tabi ko.”
Napangiti naman si Noah at tila hindi maitago ang kanyang saya sa narinig niya mula sa kanyang partner.
Kasunod nito, nilapitan na ni Felicity si Noah at mahigpit na niyakap ng una ang huli.
Patuloy na subaybayan ang kanilang love story sa She and Her Perfect Husband.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.