GMA Logo Sheena Halili and Martina
Source: mysheenahalili (IG)
Celebrity Life

Sheena Halili, aminadong 'praning' sa pagprotekta kay Martina ngayong may pandemic

By Aedrianne Acar
Published February 5, 2022 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Sheena Halili and Martina


Better safe than sorry. Ito ang mantra ng Kapuso mom na si Sheena Halili sa pag-aalaga niya sa kaniyang baby Martina sa gitna ng pandemya.

Agaw pansin ang ilang photos at videos ni Sheena Halili sa Instagram kung saan makikitang kasama niya si Baby Martina.

Base sa sunod-sunod na post via Instagram Stories ng former StarStruck finalist, makikita na siya ay nag-suot ng rain cover bago sila pumasok sa elevator.

Ano'ng nangyari?

Kuwento ni Sheena, “Ladies and gentleman ang praning na nanay ni Martina.

“Dahil ayaw nang sumakay ni Martina sa bike niya eto ako nalang ang nag-suot ng rain cover ng bike niya. Sasakay kasi kami sa elevator.”

Aminado si Sheena na nakakatawa ang hitsura nila, pero dahil hindi pa nakakapag-mask ang kanyang anak at mayroon pang pandemya, mas mabuti raw na mag-doble ingat para walang pagsisihan sa huli.

Aniya, “'Di pa nakakapag-mask si Martina. Alam ko nakakapagod na minsan kahit anong ingat naten tinatamaan pa rin sila ng sakit. Pero at least binigay naten best naten to protect them. Walang 'sana pala'.”

Isinilang ni Sheena ang anak niya kay Atty. Jeron Manzanero na si Martina Candice noong December 12, 2020.

Naghahanap ba kayo ng inspiration for your upcoming baby photoshoot? Silipin ang Disney princesses pictorial ni Baby Martina sa gallery below.