What's Hot

Sheena Halili, ano'ng natutunan sa 12 years in showbiz?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 10:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Aniya, "Na-experience ko din 'yung role na best friend ka ng best friend. 'Yung best friend, pero nasa likod ka pa."
By ANN CHARMAINE AQUINO
 
 

makeup for The Royal Wedding ????? #butterflies yiheeeeee 12-30-14

A photo posted by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on


Masayahin, bibo at mabait na anak. Ilan lamang ito sa mga qualities umano ng Kapuso actress na si Sheena Halili.
 
Sa Tunay na Buhay, ibinahagi ni Sheena ang kanyang 12 years na journey sa mundo ng showbiz. Noong 16 years old si Sheena, na-discover siya sa reality-based artista search na StarStruck kung saan naging ka-batch niya sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Dion Ignacio at Yasmien Kurdi. Ang kanyang pagkakasali umano sa StarStruck ang nagbukas ng kanyang pinto sa kanyang pangarap.
 
Nagsimula si Sheena sa maliliit na roles lamang, pero ito ang kanyang naging motivation para maging mas mahusay na actress. 
 
Aniya, "Na-experience ko din 'yung role na best friend ka ng best friend. 'Yung best friend, pero nasa likod ka pa. Or kontrabida, nasa likod ka pa na walang lines."
 
"Mas pinahalagahan ko [ang trabaho ko], mas na-motivate ako," dagdag niya.
 
Kinilala ni Sheena ang kanyang pagganap na Monica sa Marimar bilang ang kanyang biggest break. Aniya, dito umano siya nakilala bilang isang artista dahil maraming nakapansin sa kanyang husay sa pag-arte.
 
Pahayag niya, "'Yun din 'yung project na first time makahalubilo 'yung mga bossing. Na first time ako kausapin at sabihan na, 'Uy ang galing mo, uy gusto kita, nakakatawa ka."
 
Bagamat hindi big role ang nakuha ni Sheena sa Indio, ito naman ang kanyang favorite dahil sa importance ng character niyang si Mayang.
 
Kamakailan lang ginampanan naman ni Sheena ang kanyang kauna-unahang role bilang Yasmin sa Hiram na Alaala kung saan nakatambal niya ang kanyang ex-boyfriend na si Rocco Nacino.
 
Sa kanyang mga napagdaanan sa showbiz, may mga bagay umano siyang natutunan.
 
"Huwag kang matakot na magkamali. Maging totoo ka sa sarili mo. Kahit saan ka magpunta, at kahit feeling mo sobrang wala ng chance, kumapit ka lang talaga kay God kasi ibibigay niya talaga 'yung desire ng heart niya."