
Soon-to-be mom of two na ang aktres na si Sheena Halili dahil ipinagbubuntis niya ngayon ang second baby nila ng asawang si Jeron Manzanero.
Inanunsyo ng celebrity mom ang kanyang ikalawang pregnancy sa Instagram, kung saan makikita ang mga larawan niya at ng kanyang baby bump.
“My body, a miraculous vessel of life, blooms again. Hello, baby number two!” sulat niya sa caption.
Sa comments section, nakatanggap ang 37-year-old star ng congratulatory messages mula sa kanyang mga kapwa artista, kabilang sina Jolina Magdangal, Carla Abellana, Jessy Mendiola, Chynna Ortaleza, Maricris Garcia, Shaira Diaz, Ryza Cenon, Chariz Solomon, at Sherilyn Reyes-Tan.
Nag-iwan din ng comment ang mister ni Sheena at sinabi, “Let's do this!!! ❤❤❤ I love you!”
PHOTO COURTESY: mysheenahalili (IG)
Ikinasal sina Sheena Halili at ang kanyang non-showbiz husband na si Jeron Manzanero noong February 2020 at isinilang ang kanilang unang anak na si Martina noong December ng nasabing taon.
TIGNAN ANG IBA PANG CELEBRITY MOMS NA PROUD NA IPINAKITA ANG KANILANG BABY BUMPS SA GALLERY NA ITO: