
Ibinahagi ng aktres na si Sheena Halili ang behind-the-scenes ng kanyang kasal kay Jeron Manzanero noong February 23 sa The Blue Leaf Cosmopolitan in Quezon City.
Sa kanyang latest vlog, makikita si Sheena na umiiyak bago lumakad papunta kay Jeron, na nag-iintay sa altar.
“Ang bait talaga ni Lord sa akin, grabe,” saad ni Sheena.
“Ito 'yung gusto ni Lord para sa akin.”
Pag-amin ni Sheena, ipinaubaya niya sa kanyang team ang pag-aayos ng venue ng kanilang kasal kaya unang beses niya itong makikita habang lumalakad papunta kay Jeron.
“Kahit ano man ito, kahit ano pa, ito 'yung the best,” ani Sheena.
“Excited na akong makita si Jeron!”
Panoorin ang nakakatuwa at nakakakilig na vlog ni Sheena:
Sa Tagaytay dapat ikakasal sina Sheena at Jeron ngunit kinailangan nila itong ilipat sa Quezon City dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.