GMA Logo Sheena Halili
Celebrity Life

Sheena Halili, gusto ng "maraming baby" dahil kay Martina

By EJ Chua
Published April 30, 2024 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Sheena Halili


Sheena Halili sa kanyang panganay na anak na si Martina: "Salamat anak at dahil sa'yo, ang saya ko araw-araw..."

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Sheena Halili ang second baby nila ng kanyang non-showbiz partner na si Jeron Manzanero.

Habang hinihintay ang pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya, tila nakatutok muna si Sheena kay Martina.

Kamakailan lang, isang heartfelt post ang inihandog ng celebrity mom para sa kanyang panganay na anak.

Sulat niya, “To my favorite daughter, my best friend forever and ever, Ilang buwan pa ang natitira na kaming dalawa lang at 100 percent pa na ang oras ko ay sa kanya.”

“Pinush ko talaga na makasama sa trip na ito at gusto ko pa humirit na siya lang ang inaasikaso ko,” dagdag pa niya.

Inilarawan din ni Sheena ang ilang mga kahanga-hangang katangian ni Martina.

“Sa aking anak na napakabait, malambing, maintindihin, funny, at magaan kasama kahit gaano pa katagal ang travel, gusto ko lang i-shout out sa kanila itong moments natin.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang anak sa araw-araw na pagbibigay nito ng kasiyahan sa kanilang pamilya.

Sulat ni Sheena, “Salamat, anak, at dahil sa'yo, ang saya ko araw-araw. Dahil sa'yo mas naging simple ang happiness ko. Naging strong at confident ako sa mga anong kaya at mayroon ako.”

Ayon pa sa kanya, “Sa love na binibigay mo ay malaking bagay kaya gusto ko pa ng maraming baby. I love you, my favorite baby ate.”

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili)

Sa social media account ng 37-year-old celebrity mom, makikita ang sweet bonding moments nila ni Martina.

Matatandaang December 12, 2020, nang isilang ni Sheena ang kanyang panganay na anak.