
Nakiusap ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang followers na isama sa kanilang mga dasal ang mga frontliner na nagta-trabaho sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa latest report ng Department of Health (DOH) kahapon March 18, hindi bababa sa 202 COVID-19 cases ang naitala sa bansa at sa kasamaang-palad may 17 na ang namatay sa virus. Nakapagtala naman ang DOH ng pitong pasyente na naka-recover..
Sa Instagram Story ni Sheena, naniniwala siya na mawawala ang sakit na ito sa tulong ng Diyos.
"Sir Lord nalang talaga kailangan naten ngayon. Please offfer a prayer kahit maikling dasal lang para sa mga taong naglilingkod sa bayan, sa mga frontliners naten at para sa safety ng lahat at sa mga taong nasa hospitals.
"In Jesus name! Mawawala na ang virus!"
Ikinasal noong Pebrero 23 si Sheena sa kanyang non-showbiz husband na si Atty Jeron Manzanero sa Quezon City.
MORE ON THE CORONAVIRUS OR COVID-19 UPDATES:
IN PHOTOS: Celebrities who are on self-quarantine due to COVID-19
TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19
Celebrities who are doing home workout during the COVID-19 quarantine