GMA Logo sheena halili
Courtesy: mysheenahalili (IG)
What's Hot

Sheena Halili, excited na ma-meet ang kanyang third baby

By EJ Chua
Published June 15, 2026 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rex Orange County is coming to Manila in August
BTS's 'Arirang' tour in Bulacan gets third day
King cobra hatchling rescued in Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

sheena halili


Sheena Halili sa growing at happy family nila ni Jeron Manzanero: “My heart wasn't expecting to grow this much.”

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Sheena Halili ang ikatlong anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Jeron Manzanero.

Kasabay ng excited na paghihintay sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya, isine-celebrate na ni Sheena ang pagiging mommy niya ulit sa pamamagitan ng isang maternity shoot.

Talaga namang glowing mom ang StarStruck alumna sa kanyang recent pictorial.

Bukod sa naggagandahang photos na kuha ng @niceprintphoto, mababasa rin sa post ni Sheena ang kanyang heartfelt caption tungkol sa upcoming arrival ng kanyang ikatlong anak.

“My heart wasn't expecting to grow this much. Baby #3, coming soon,” sulat ng celebrity mom.

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili)

Tulad ni Sheena, excited na rin sa pagdating ng third baby ang asawa niyang si Jeron at kanilang mga anak na sina Martina at Jio.

Sa hiwalay na posts, makikita ang ilan pang photos at reels, kung saan proud na ibinahagi ni Sheena ang kanilang family moments.

Isinilang ni Sheena ang kanyang panganay na anak na si Martina noong December 12, 2020, at ang pangalawang anak naman niya na si Jio ay isinilang noong August 9, 2024.

Related gallery: Sheena Halili's daughter is a future star