What's Hot

Sheena Halili, mas naging protective sa sarili dahil sa pagbubuntis

By Dianara Alegre
Published June 19, 2020 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

sheena halili and reese tuazon


Doble-ingat daw ngayon si Sheena Halili sa kanyang pagbubuntis dahil sa COVID-19 pandemic.

Masayang inanunsiyo ni Kapuso actress Sheena Halili sa publiko ang kanyang unang pagbubuntis nitong Sabado, June 13.

Ibinahagi rin ng aktres na nabuntis siya isang buwan makaraan ang kasal nila ng asawa niyang si Jeron Manzareno noong February.

“After a month naming kinasal, nagka-baby kami agad. Nagulat nga kami kasi siyempre hindi natuloy 'yung honeymoon namin. May blessing agad si Lord after nu'ng kasal.

“'Di ko pa alam na buntis ako no'n, ang gusto ko cocktail onions tapos cheese and salami,” aniya.

Dagdag pa niya, may mga pagkakataon din na nagiging emosyonal siya habang iniisip ang kinabukasan ng kanyang anak sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“Siyempre, hindi mo rin talaga maiwasan mag-worry, iba kasi talaga.

"Sabi ko kung ako lang, kung tayo lang, kaya natin pero ngayon talagang may baby, sobra talagang mas naging protective kami,” sabi ni Sheena.

Sheena Halili is pregnant!

LOOK: Quarantine life of soon-to-be parents Sheena Halili and Jeron Manzanero

And now we're three! #13weeks

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili) on


Samantala, kasabay na nagdadalantao ni Sheena ang isa pang Kapuso actress na si Reese Tuazon.

Excited na umano ang aktres at ang kanyang buong angkan dahil unang apo ito sa kanyang pamilya.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Reese ang mga naging karanasan sa kanyang first trimester.

“It was smooth for me, it was actually good.

"Wala akong vomiting, wala akong mga gano'n, wala akong particular lihi so hindi rin nahirapan 'yung asawa ko sa 'kin paghahanap ng pagkain. I just eat anything,” aniya.

Ikinasal si Reese kay Robi Guingona noong February 2019.

IN PHOTOS: Reese Tuazon has tied the knot

Reese Tuazon is pregnant with first child

Before the day ends, let me surprise you!😆 thank you for all the birthday greetings!❤️❤️❤️ #18weeks #babyguingona

A post shared by Reese Tuazon (@therlyn.anne) on


Panoorin ang buong 24 Oras report: