
Pinaghahandaan ni Kapuso mom-to-be Sheena Halili ang nalalapit niyang panganganak.
Ngayon pa lang ay sinisimulan na niyang alamin at kolektahin ang hospital needs at gamit para sa baby niya.
Ibinahagi niya sa Instagram ang ilan sa kanyang mga paghahanda gaya ng pagre-research ng mga de-kalidad at ligtas na gamit para sa baby.
Source: mysheenahalili (IG)
“Ilang araw at gabi na 'ko nagre-research, ano ang mga needs at best for my baby girl!
“Nakakaaliw rin naman. Sanay kasi ako mamili para sa sarili ko pero ngayon lahat para na sa kanya.
"Lahat bago, lahat first time. Kaya binibigyan ko talaga ng oras. Inaaral ko,” aniya.
Dagdag pa niya, kapag tapos na ang kanyang research ay ibabahagi niya sa mga kapwa niya mommy ang mga natutunan at nalaman niya.
“Kapit lang mommies! I will share everything 'pag nabuo ko na ang nursery, hospital needs namin.
"Alam kong hindi madali ngayon dahil online shopping lang tayo at hindi natin ito nakikita, nasusubukan, nasusukat sa personal tapos kailangan natin maghintay ng ilang araw para sa delivery! Kaya I will try to help you.
“May mga iilang gamit na 'ko dito. Sasabihin ko sa inyo anu-ano ang okay sa niregalo kay baby at kung ano rin ang okay sa mga nabili ko,” dagdag pa ni Sheena.
Tip pa niya, “Mas maaga tayo mag-start [maghanda] para hindi tayo ma-stress.”
Samantala, dahil ipinagbubuntis niya ang kanyang unang baby sa gitna ng COVID-19 pandemic, inamin ni Sheena na hindi niya maiwasang mag-alala para sa kalagayan niya at ng kanyang unborn child.
Aniya, mas naging protective siya sa sarili.
"Iba kasi talaga kung ako lang eh. Sabi ko kung ako lang, kung tayo lang, kaya natin. Pero ngayong may baby, sobra talagang mas naging protective kami," aniya nang kapanayamin ni Kapuso broadcast journalist Cata Tibayan para sa 24 Oras noong June 18.
Noong June nang inanunsiyo ni Sheena na buntis siya sa una nilang anak ng asawang si Jeron Manzareno.
Ikinasal sina Sheena at Jeron noong February 2020.
Source: mysheenahalili (IG)