GMA Logo sheena halili on household disinfection
What's Hot

Sheena Halili, nasabihang "OA" sa pagdi-disinfect sa bahay

By Aedrianne Acar
Published April 24, 2020 10:54 AM PHT
Updated April 24, 2020 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Unang Hirit' funliner Jenzel Angeles marries non-showbiz partner
P5 increase in tricycle fare in Dumaguete City sought
Libreng papsmear at breast examination, handog ng GMAKF sa bayan ng San Miguel | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

sheena halili on household disinfection


Sheena Halili: "Mas maganda na ang OA kesa..."

Ibinahagi ng Kapuso actress Sheena Halili ang mga ginagawa niyang pag-iingat sa kanilang tahanan para maiwasan ang COVID-19.

Sa Instagram post ni Sheena kahapon, April 23, ikinuwento niyang may sinusunod silang procedure ng kanyang mister na si Atty. Jeron Manzanero pagdating sa pagdi-disinfect sa bahay.

The star-studded wedding of Sheena Halili and Jeron Manzanero

Ani Sheena, "6PM! Pag may nag doorbell, may transformation ng nagaganap!

"Dahil andyan na si mister at galing sa work. Lahat ng gamit na galing sa labas ay sprayan ng disinfectant, lysol, alcohol, punasan ng wipes na may alcohol at direcho sa sterilizer.

"May naka ready narin akong 2 baskets. Basket 1 para sa damit niya, basket 2 para sa mga dala niyang gamit like susi, cellphones etc.Tanggal ng damit sa labas tapos direcho laba at direcho ligo si Jeron."

Dagdag ni Sheena, hindi siya napapagood kahit araw-araw niya itong ginagawa para mapanatiling malinis at komportable ang kanilang bahay.

"Araw-araw di ako mapapagod gawin ito para lang mabigay ko ang best ko, na malinis at komportable ang bahay namin. Sana enough na ito."

6PM! Pag may nag doorbell, may transformation ng nagaganap! Dahil andyan na si mister at galing sa work. •Lahat ng gamit na galing sa labas ay sprayan ng disinfectant, lysol, alcohol, punasan ng wipes na may alcohol at direcho sa sterilizer. May naka ready narin akong 2 baskets. Basket 1 para sa damit niya, basket 2 para sa mga dala niyang gamit like susi, cellphones etc. •Tanggal ng damit sa labas tapos direcho laba at direcho ligo si Jeron. •Naka open na ang pinto ng bathroom at naka ready na ang gagamitin niya dahil bawal siyang humawak ng kahit ano like doorknobs atbp, kahit nasprayan ko na siya ng alcohol sa kamay, bago siya maligo wash muna siya ng hands with soap dahil pag direcho shower siguradong mukha mo ang una mong hahawakan. •Sa guest bathroom ang liguan namin pag galing sa labas dahil bawal pa pumasok sa master's bedroom/bathroom. •Ibababad sa shoebox na may disinfectant ang shoes ni Jeron for an hour then lipat sa may balcony kung saan ma-aarawan ito sa umaga. •Ang baunan, sprayan ng alcohol then ibabad sa warm water. •Pinapabaunan ko narin ng food si Jeron para lang alam ko saan at sino ang nag prepare ng lunch niya. •Direcho ligo narin ako after. 😉 •Dinner and then bago matulog mag disinfectant spray ule ako sa kitchen, I make sure na bago at clear na ang trashbag, sprayan ang doorknobs, remotes, switch ng lights, bathroom at sofa kung saan kami madalas nagtatambay at ang aming balcony. •Sa umaga, inoopen ko ang pinto sa balcony para lang pumasok ang fresh air at lumabas ang kung ano man ang dapat lumabas😬 Araw-araw di ako mapapagod gawin ito para lang mabigay ko ang best ko, na malinis at komportable ang bahay namin. Sana enough na ito. Kung may suggestions kayo, ano pa ang pwede kong gawin at ano pa ang mga disinfectants na kailangan ko, please comment down below! 😉 Very good ba si MiSheens Manzanero?

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili) on

Sa comment section ng naturang post, makikita na may reply si Mrs. Manzanero nang sabihan siya ng isang netizen na "OA" sa paglilinis.

Tugon niya dito, "Mas maganda na ang OA kesa walang pakielam."

Ikinasal si Sheena kay Jeron nito lamang February 2020.

FIRST LOOK: The wedding of Sheena Halili and Jeron Manzanero

Samantala, ibinalita kanina, April 24, na mananatili sa enhanced community quarantine hanggang May 15 sa Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Cebu at ibang lugar na may mataas na kaso ng coronavirus.