
Ngayong New Year, blooming ang love life ni Sheena Halili. Sinimulan ng aktres ang 2018 kasama ang kanyang non-showbiz lawyer boyfriend na si Jeron Manzanero.
Ani Sheena, "Isang madiin na halik ng kasiyahan, pasasalamat at pagmamahal para sa lalakeng bumuo ng mundo kong IKAW NALANG ANG KULANG. IKAW ang sagot sa malaking puwang ng puso kong sumisigaw ng “Lord, pengeng lovelife.” Tatapusin ko ang 2017 ng TAYO ang laman at umpisahan ko ang 2018 na sana TAYO na hanggang walang katapusan."
Naging "Insta-official" ang dalawa pagkatapos mag-post ni Sheena ng litrato nila noong November 2017.
#TamangPanahon: Meet Sheena Halili's boyfriend, Atty. Jeron Manzanero