GMA Logo Sheree and Gian Magdangal
What's on TV

Sheree, sinabing 'bestie' na sila ngayon ng dating karelasyon na si Gian Magdangal

By Maine Aquino
Published May 15, 2023 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 10, 2025
Anne Curtis attends Hong Kong Fashion Festival
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sheree and Gian Magdangal


Alamin kung paano nagkaayos ang dating magkarelasyon na sina Sheree at Gian Magdangal.

Naghiwalay man ang dating magkarelasyon na sina Sheree at Gian Magdangal ay nakapagayos na sila at naging mabuting magkaibigan na ngayon.

Ang Viva Hot Babe na si Sheree at ang singer-actor na si Gian ay naging magkarelasyon taong 2007. Pagkatapos ng isang taon ay isinilang ang anak nilang si Haley. Nag-celebrate nito lamang May 4 ng 15th birthday ang anak nina Sheree at Gian.

Taong 2013 nang mabalita ang paghihiwalay nina Sheree at Gian.

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Sa pagbisita ni Sheree sa Sarap, 'Di Ba? ay inilahad niya ang estado nila ngayon ni Gian. Ani Sheree, "Bestie na kami. Kasi siyempre we have a son."

Kuwento pa ni Sheree ay nagkapatawaran na sila ni Gian sa mga nangyari sa kanila noon.

"Ako naman kasi hindi rin ako masyadong nagtatanim ng galit with anyone. Ayoko ng kaaway so ipinagdasal ko na lang and then pinatawad ko whatever it is that happened to us before.

Ayon kay Sheree, kailangan ito para sa ikabubuti ng kanilang anak.

"Kailangan magkaroon ng forgiveness para rin sa anak namin."

Ibinahagi rin ni Sheree na mabuti silang magkaibigan ng kaniyang ex-partner. Tinawag niya pang modern family ang kanilang set-up ngayon.

"We're both really good friends. We go to dinner together, we celebrate our son's birthday together. Nagma-mall kami with his girlfriend ganiyan. We're like a modern family. Forgiveness lang and acceptance."

Balikan ang buong kuwento ni Sheree rito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING FLORAL PHOTOSHOOT NI SHEREE SA GALLERY SA IBABA: