What's Hot

Sherilyn Reyes at Suzi Abrera, naglabas ng saloobin tungkol sa mga baguhang aktor na 'di marunong magbigay respeto

By Aedrianne Acar
Published July 25, 2017 12:56 PM PHT
Updated July 25, 2017 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano lava flow seen —PHIVOLCS
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang buong kuwento.

Binigyang papuri ng celebrity mom na si Sherilyn Reyes-Tan ang dalawang young talents na nakatrabaho niya sa high-rating weekend drama anthology na Magpakailanman.

Last July 22, bumida sina Ken Chan at StarStruck alum na si Ayra Mariano sa kuwento nina Lance Fernandez at Ella Layar.

Sa Instagram post ni Sherilyn, sobrang napabilib ang aktres sa professionalism at respeto ng dalawa para sa veteran actors kahit baguhan sila sa industriya.

Ayon kay Mommy Sherilyn, “Hindi ko alam kung kailangan bang ituro sa mga baguhang aktor ang pagbibigay respeto sa mga nauna sa kanila sa industriya. Numero unong bilin ko kay Ryle ang lumapit at magpakilala, kahit paulit ulit. Magbigay ng respeto. Si Ken at Ayra ang mga bida sa kwento ng buhay ni Ella At Lance sa Magpakailan Man.”

Dagdag niya, “Unang pagkikita namin, magalang na lumapit ang bawat isa at nagpakilala. Dun ay nakuha na nila ang aking paghanga at respeto. Sa daming baguhan ngayon na di marunong magbigay galang, hindi dahilan ang hiya dahil mabibigyan yun ng maling kahulugan.”

Naniniwala rin ang versatile actress na malayo ang mararating nina Ken at Ayra dahil sa magandang pag-uugali na taglay nila.

“Di nakakatuwa na ikaw ay titingnan lang at dadaan daanan. Pero diba di naman dapat itinuturo yan? Dapat lang na magbigay galang at bumati sa mga katrabaho. Malayo ang mararating ng dalawang to dahil din sa tamang pag uugali. Kung fans nila kayo, tama kayo ng iniidolo. @ayramariano @akosikenchan”

Nag-comment naman ang Unang Hirit host na si Suzi Abrera sa post ni Sherilyn at dito nilabas niya ang saloobin nito sa minsang hindi magandang asal ng mga baguhan sa showbiz industry.

 

 

Nag-reply naman ang Kapuso heartthrob na si Ken Chan sa magagandang sinabi sa kaniya ni Sherilyn at nangako ito na mananatili siyang humble bilang isang aktor.