
Bumuhos ang emosyon ng celebrity mom na si Sherilyn Reyes-Tan sa Instagram nang ipagtanggol ang anak niya na si Ryle Santiago sa isang basher.
Anak ni Sherilyn si Ryle sa dati niyang partner na si Pablo “Junjun” Santiago Jr.
Samantala may mga anak na din ang aktres sa current husband niya, ang former basketball player at ngayo'y assistant coach sa PBA na si Chris Tan.
Sa screenshot na ipinost ng former Bubble Gang actress, hindi niya nagustuhan ang masasakit na salitang binitiwan ng basher sa kanyang anak, na sinabihan pang feeling “sikat.”
Pagtatanggol ni Sherilyn, “Hindi ko maisip sa paanong paraan nagpapansin Si Ryle jamooski555. Isang halimbawa ito ng WAG MAGHUSGA NG TAO DAHIL DI MO ALAM ANONG PINAGDADAANAN.
“Hindi naka shades ang anak ko kahapon, naka tinted face shield sya na regalo ng @shopanystock. Malabo ang paningin din nya dahil dinilate ang pupil niya.”
Dagdag niya, “Panay daw raket kami, OO SALAMAT SA DIYOS, sa panahon na ito, madaming raket na dumadating.”
Hindi na napigilan ni Sherilyn na ibahagi ang financial situation ng kanyang pamilya.
Dito, idinetalye niya na naloko siya sa negosyo noong 2019.
Aniya, “WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon.
“Sa kasamaang palad, na swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin.
“Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit.”
Sa kabila ng nangyari, ayon kay Sherilyn, sinisigurado niyang hindi siya sa tatakbo sa mga obligasyon niya sa pamilya.
“Gagawin mong lahat para masigurong matupad mo buwan buwan ang obligasyon mo, sa mga panahong nalulungkot ka at naiiyak, pipilitin mong ngumiti nang di rin maging malungkot ang pamilya mo.
“Na araw araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa yo pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo.”
“Na araw araw pinagpapasalamat mo na ang asawa mo ay nagpapakumbaba sa mga tao para makiusap dahil kayo ay naloko sa negosyo.
“Sana di mo maranasan dahil di ko gugustuhin maranasan mo o nang kahit sino ang pinagdadaanan naming.”
Source: Sherilyn's IG account
Wala rin daw problema sa misis ni Chris Tan na matawag na laos.
Aniya, “Sa 26 years ko sa Showbiz, kahit kelan hindi ko na consider ang sarili kong sumikat pero dahil sabi mong laos na ko, salamat na para sa yo ay sumikat din pala ko Kahit papano.”
Sa huli, sinabi ni Sherilyn na ipinagdasal niya ang basher at labis niyang ikinalungkot na may mga tao na nilalait pa ang kanyang pamilya sa gitna ng nararanasan nating pandemya.
“Nakakalungkot na sa gitna ng pandemya nagawa mo pa kaming laitin mag-ina na wala naman ginagawa sa yo.
“Galing kami sa simbahan at pinagdasal kita, halatang di ka masaya. Ipagpasalamat mong buhay ka at malusog at walang problema katulad ng akin.”
Bukod kay Ryle, may dalawang anak sina Sherilyn at Chris na sina Lorenz at Eia. May mga anak din ang dating cager sa kanyang ex-wife.
#Diyosa: Celebs na may "Lyn" sa pangalan